Chapter XII

63 3 0
                                    

Sa plaza habang kumakain kami ng fish balls.

"May 1st Monthsary as Friends ka pang nalalaman, ang corny mo pala," sabi ko kay Jasper habang pinanood siyang sarap na sarap sa kaniyang kinakain.

"Hahaha... 1st time ko lang ginawa yan. Corny ba? E, anong magagawa ko, malay ko ba sa mga ganiyan. Malay ko ba... e,
1st time may naging espesyal sa buhay ko..."

Natigilan siya dahil sa nasabi niya. Habang ako naman ay biglang napatigil sa pagkain ko. Napatahimik kami pareho ng isang minuto. Biglang nagka-ilangan.

Mayamaya'y bigla siyang nasalita. "Ahmmn... Bibili muna ako ng isa pang maiinom, kulang pala sa akin ang isa," sabay tawa niya na para bang wala siyang nasabi na kahit na ano.

"O, sige," pagsang-ayon ko.

Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Kinikilig ba ako? Pero dapat kong pigilan. Hindi dapat magpatuloy ang nararamdaman ko para kay Jasper. Lalo na ngayon. Nagkakasundo na ang dalawang magkapatid. Isang malaking hadlang ako para sa kanilang dalawa.

Nang makabalik si Jasper mula sa pagbili ng isa pa niyang maiinom. Bumalik kaming muli sa dati. Wala nang ilangan.

Nang gabing iyon hindi ako makatulog, hindi ko malaman kung ano ang aking gagawin. Sabi nga nila 'action speaks louder than words.' Nararamdaman ko na gusto ako ni Jasper, hindi ko lang malaman kung bakit hindi niya magawang sabihin.

Isang araw, nakita ko si Erick sa mall na may kasamang babae. Napataas ang kilay ko, sa isip-isip ko lang. "Akala ko ba ako ang gusto niya?"

Hindi rin ako nakaligtas sa mata ng lalaking iyon. Lumapit siya sa akin kasama ang babae.

"Hey, Anne. Nag-iisa ka yata. Where are your friends? Where's Lester?" tanong niya.

"Hindi kami madalas na nagba-bonding ng mga friends ko. And si Lester, busy siya ngayon," sagot ko.

Hindi ko napigilan ang pagtingin-tingin sa babaeng kasama niya.

"Oh, by the way. She is my sister, Liza," pagpapakilala niya.

"Nice to meet you, Liza."

Hindi ako sinagot ng babaeng iyon, bagkos ay tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Napansin ito ni Erick.

"Liza, siya iyong sinasabi ko sa 'yo," nakangiting turan ni Erick upang pansinin ako ng kapatid niya.

"I know, but I didn't expect..."

Hindi tinuloy ni Liza ang kaniyang sasabihin, tumalikod na siya at niyaya ang kaniyang kapatid paalis.

Dahil sa curiosity, itinanong ko kay Lester ang tungkol kay Liza.

"Si Liza? She's our childhood friend, kapatid siya ni Erick. Close sila ni Jasper ever since. Sobrang nalungkot ang kapatid ko noong nalaman niya na pupunta sa America si Liza.

"Anong ibig mong sabihin?" gulong-gulo ako, ang daming pumapasok na tanong sa isipan ko.

"Bago umalis si Liza, nagkaroon sila ng sumpaan ni Jasper. Nangako sila sa isa't isa na sa tamang panahon ay magiging sila. Wala ng ibang iibigin pa. Nangako si Jasper na hihintayin niya ang pagbabalik ng babaeng una niyang minahal," pagsasalaysay ni Lester.

"Mahal agad? Hindi ba puwedeng crush muna?" biro ko habang nakakaramdam nang sakit sa puso.

Nang malaman ito ng dalawa kong kaibigan...

"May first love pala siya," sabi ni Fey.

Biglang napataas ang kilay ni Marie at sinabing,
"Correction! puppy love."

Sumagot naman agad si Fey ng, "Whatever, love rin 'yon."

"Ssshhh... Tama na nga 'yan, naiinis na nga ako, puro pa kayo bangayan," naiinis na sabi ko sa dalawa kong kaibigan.

"Teka nga, ang nanliligaw naman sa iyo ay si Lester, hindi si Jasper. Siguro kaya hinayaan niya na ligawan ka ng kuya niya kasi alam niyang darating na si Liza," turan ni Fey.

"Hindi nga nagsasalita nagpaparamdam naman," gulong-gulong sagot ko.

"Asumera lang? Tumigil ka riyan, bigyan mo nang pagkakataon iyang puso mo na magmahal ng karapat-dapat sa pagmamahal mo. Subukan mong ituon ang atensyon mo kay Lester," payo ni Marie.

"Oo nga pala, hindi ba may banda si Jasper, isama mo naman kami roon, free ako kapag Saturday night," yaya ni Fey.

Sinudan pa ni Marie.
"Ako rin! Please bonding ulit tayo."

Hindi na ako nakaangal pa. Saturday night dinala ko ang dalawa kong kaibigan sa lugar kung saan nagpe-perform ang banda nina Jasper at Erick.

Sa may pintuan pa lang ay dinig na dinig na namin ang boses ni Jasper. Kahit rock, feel na feel ko pa rin ang bawat lyrics ng kanta.

Matapos ang performance, lalapit na sana kami upang surpresahin siya, ng bigla naming nakita na may babaeng lumapit sa kaniya upang punasan ang kaniyang pawis.

"Oooppsss... Sino iyong malanding babae na 'yon? Grabe pa ang suot na damit, kulang na lang maghubad," naiiritang sabi ni Marie.

Lalapitan sana ni Marie, upang matapang na harapin ang babae.

"Huwag!" Pagpigil ko.

"Siya si Liza," dagdag ko.

"Anong ginagawa niya rito, grabe ang kalandian, hindi ba puwede na hintayin niya si Jasper na bisitahin siya?" galit na galit na turan muli ni Marie.

"Hindi ba't kapatid siya ni Erick. Malamang nanonood,"
pagtatanggol ko.

"Tara na uwi na tayo," pagyayaya ko.

"Hep! At bakit tayo aalis? Sanayin mo ang sarili mo na makita sila. Sige lang masaktan ka. Matatanggap mo rin, na hindi kayo para sa isa't isa," pagpapaliwanag ni Fey.

Naisip ko tama siya. Dapat saktan ko ang sarili ko hanggang sa matanggap ko na hanggang kaibigan lang kami ni Jasper.

Lumapit kami sa kanila...

Nang malapit na kami, tinapik ako ni Marie, upang sigawan ang kaibigan ko.

"Bro!" Sigaw ko kasabay ang malakas na musika sa buong paligid.

"Anne?" turan niya habang nagbibigay nang matamis na ngiti.

Dahan-dahan siyang lumalit sa amin na para bang nakalimutan na kung sino ang babaeng nasa tabi niya.

"Bakit hindi kayo nagpasabi na pupunta pala kayo rito?" tanong niya.

"Siyempre para surprise..." Pagsingit ni Marie sa usapan, habang binibigyan nang nakakainis na tingin si Liza.

Napansin ito ni Jasper, at nagbalik sa ulirat niya na kasama niya si Liza.

"Anyway girls, she's Liza, Erick's sister," pagpapakilala niya.

"Hello..." Sabi ko upang hindi mapahiya ang kaibigan ko.

"We've already met," sagot ni Liza.

"Yah, I remembered. They are my friends, Fey and Marie," pagpapakilala ko sa dalawa kong kaibigan.

Napansin ni Jasper ang hindi magandang tingin sa akin ni Liza. At ang pagtaas ng kilay ni Marie.

Napansin ko rin na naiipit ang aking kaibigan sa mga hindi magandang tinginan.

"Actually, nagpakita lang kami sa 'yo, paalis na talaga kami," mahinahong sabi ko.

"Ha? Aalis na tayo?" pang-iinis na tanong ni Fey.

Sumenyas na lang ako sa dalawa. "Oo, aalis na tayo."

"Enjoy your next performance, Bro," sabay talikod. Hindi ko na siya hinayaang magsalita pa.

Tama ang dalawa kong kaibigan, ngunit hindi ko inaasahan na ganoon pala kasakit.

Mr. Pa-Asa (COMPLETED)Where stories live. Discover now