Chapter 35 Basketball Game

Start from the beginning
                                    

Napatingin naman ako kay Kendall na parang iba naman yung itchura niyang binigay sa akin. Problema nun?

"Hindi si Kendall?' nagulat naman ako sa bulong ni kim. "Ha? Bakit mo naman nasabi yan?"

"Wala lang...akala ko kasi.....ah wala." binalik na lang niya ang attensiyon sa laro. Naptingin ako kay Kendall. Naka shot ulit siya. Syempre agad namang nag ingay dito. Malupet talaga dating niya sa mga babae, kaya ba't naman siya i che cheer ko?Madami na siyang supporters!

"Nga pala Stella, napansin ko, bago salamin mo today ha"

"Ah eto? Oo nga, nabasag kasi ang isa eh" binasag ni Skylar -_-. "Kanina lang? So buti na kang meron kang extra"

"H-hindi to extra hehe. Nakita ko na lang to nung lumabas ako ng C.R"

"So ibig sabihin my mysterious person nagbigay sayo? Ayiie" kiniliti niya ako sa gilid. baliw talaga. Pero sino nga ba kaya nagbigay nito?

"Hello Stella" napatingin kami sa nag sabi nito. 

"Hi Geoff! Halika upo" umusog ako ng konti at tumabi naman sa ain si Geoff. "Ah Geoff si Kim nga pala, Kim si Geoff kaibigan ko sa school" pakilala ko sa dalawa at nakipag handshake naman si Geoff.

Sabay na sa amin nanoud ng laro si Geoff, hanggang natapos ang third quarter.

"Guys alis na ako, i-check ko lang si Alex" sabi ni Kim at tumango lang kami. Si Daniella naman kanina pa umalis. Meeting daw, family meeting. Ang bata pa ni Daniella pero invovled na kaagad siya sa mga buisness ng family niya.

I sighed...

Napatingin ulit ako sa court, agad naman nagtagpo ang tingin namin ni Kendall....Pero sinamaan niya ako ng tingin.

Sina Kim at Alex naman....well... ang sweet lang nila. Pinupunasan ni Kim ang likod ni Alex, tsaka nagtawanan ang mga ito habang naglalambingan mga ito. Feeling ko tinutusok ang mga mata ko tuwing nakikita ko sila. Pero wala naman akong karapatan mag selos.

**

Nagsimula na ang 4th quarter. Pero unti-unti naman humahabol ang mga Dragons, 79-81 ang score at tsaka 3 minutes na lang ang natira! 

"Stella, gusto mo?" alok ni Geoff kakabalik lang galing canteen. "Ano yan?"

"Shomai tsaka may juice."

"Yaa! Gusto ko Shomai!" favorite eh. Tinusok niya ang isang shomai gamit ang toothpick, at akala ko naman bibigay niya sa akin..kaso..

"Ahh" sabi niya while raising towards my mouth. Trip nito?

Susubuin niya talaga sa akin? "Oy Geoff, ako na nakakahiya ah" pigil ko sa kamay niya.

"Tsk. Sige na ahh" kinuha niya ang kamay ko at tinaas yung shomai. loko talaga. Nag "Ah" na lang ako at sinubo niya naman ito sakin. "Sarap?" tanong niya habang nginunguya ko ito, kaya nagpa thumbs up na lang ako. Nakita ko naman si Kim binigyan ako ng Kinikilig-ako-sa-inyo smile. Loko din yan!

"One more. ahhh" sabi niya ulit, at sinubo ito sa akin. Di ko alam kung anong nangyayari tong kay Geoff, pero nag eenjoy lang ako sa pahkain hehe. "Geoff, Kim mag wa-washroom lang ako ha" tumango lang mga ito at lumakad na ako palabas. Im sure mananalo na yang mga Huskies, 2 minutes left at tsaka 85-86 ang score.

*****

"Siguradohin niyong malinis ang gagawin niyo pag aalis ako"

"Opo boss. Eh yung alas natin?"

"Kailangan siya. Dapat sila lang dalawa. At dapat turuan niyo yang Kendall ng liksyon!"

"Pero boss....Balita ko kahit matagal na hindi yun nakipag away malakas padin siya possi-"

"Ngayon paba namalapit na aatras kayo? Ha? Akala ko ba gusto niyo maghiganti!"

"Sorry boss....Sige aasahin niyo ang nagumpay namin."

"Mabuti. Kahit palimpa-limpa na lagay niya.....Wag padin kayong tumigil."

Unting unting palaki ng palaki ang kaba ko simulang marinig ko yung apat na lalaki nagsasalita sa labas ng C.R. Si Kendall kaya ang tinutukoy nila? Among higanti sinasabi nila? Anong Alas? Sumilip ulit ako pero huli na, wala na ang mga ito. Pilit kung sinasabi sa sarili ko na.....hindi lang naman si Kendall ang mag isang may pangalan nun diba?

Pwede namang, ibang Kendall yun...

Kinabahan ako..

Ano na gagawin ko ngayon? Kapag sasabihin ko yun kay Kendall sigurado akong di yun maniniwala. Tsk. Alam ko na kung sino ang taong makakatulong dito!

Pumasok na ako sa gym, nagulat na lang ako nung binubuhat nila si Kendall na walang malay palabas ng gym.

ANYARI SAKANYA?!?


JACOB'S POV

Kanina ko pa tong napapansin si Kendall, parang wala sa sarili niya. Panay ang tingin kina Kim at Stella, dun sa bench. Di ko alam kung bakit. Tsaka simula ng fourth quater, bihira na itong pumuntos, eh kanina siya ang bida. Anyari dito?

Ngayon nasa amin ang bola, tatlong puntos na lang pantay na kami ng dragons. Kailangan namin manalo. Tsk.I dribble the ball, nakita ko naman na open si Kendall at siya yung pinaka malapit sa net, kaya naisipan kung ipasa sa kanya.

"Kendall!" sigaw ko sakanya. Pero pag lingon niya....hindi pala siya handa sa pagsalo ng bola.

Kaya...

*BOOGSH*

____________


Please let me know what you think! COMMENT PO KAYO ^_^


|VOTE | COMMENT | ENJOY

The Ultimate Heartthrobs & MeWhere stories live. Discover now