Chapter 35 Basketball Game

Start from the beginning
                                    

"B-bbakit mo y-yun ginawa..?" pa utal-utal natanong ko sakanya.

Nararamdaman ko na talaga namumula yung pisngi ko eh!! Biglaan na lang kasi ang lalaki nato eh. Nahihya na tuloy ako .

Bigla naman ngumiti ito..."Nag charge lang" sabi niya na naka ngiti at bumalik sa court.

"Hoy! B-bumalik ka dito!" nagpatuloy lang ito sa paglalakad saka pumunta sa team bleachers nila. Nakita ko nakipag high five siya kina Ginno at Jacob. Tapos tinignan nila ako at nagtawanan sila. Anyayari?

Aalisin ko na sana tingin ko pero bago yun, tinignan ako ni Kendall at nag evil grin ito! 

So ayun? Ginawa niya akong charger? Problema nun!...Teka.... O_O

Kalma lang Stella. Yakap lang yun. Yakap lang. Wala namang malisya diba? Wala kanaman nararmdamang kakaiba. Wag na isipin yun!!

TAMA! Wala yun hehe. Pinag tritripan niya lang ako. TAMA!

Inhale. Exhale. Inhale.

Pero....Tsk! Ang nakapagtataka lang bakit hindi ako kumalas!? O pumiglas nang niyakap niya ko? Nagustuhan ko din ba? Kinikilig ba ako? AISH. Ewan ko ba! Lakas maka trip ang lalaki nayun eh!


******

3rd quarter na. Grabi! Ang galing ng mga Dragons! Pero wala sila sa mga Huskies! Lalo na si Alex at Kendall, sila palagi ang nagtitira at nag a-assist sa isa't-isa. Meron silang teamwork! Sina Jacob at Ginno naman, lagi na lang nag du-dunk. Tapos mag papacute sa court.

Lamang naman kami. 54-42

Nakay Kendall naman ngayon ang bola...pinasa nito kay Alex...Pinasa ulit ni Alex kay Kendall nung malapit ito sa ring.

"WOOOOOOOHOO!!!"

Just like that, nag dunk si Kendall. Lahat naman sila nag palapakan at naghiyawan, mga fangirls niya hindi nagpaawat at mas lalaong tinaas ang mga banner nila. Okay. Fine, siya na magaling!

 Nakita ko naman tumingin siya palagi sa upuan ng audience, parang may hinahanap ba.

Pero grabi. Napasin ko ang lupet ng dating niya, na exposed tuloy yung mga muscles niya kasi sa jersey. tapos naka ponytail pa yung buhok niya. Edi siya na gwapo!

"Yaaa! Goo Alex!!" sigaw ulit ni Kim habang nag dridribble si Alex. Nakuha niya kasi ang bola.

 Patungo ito sa ring habang may dalawang Dragons sa likod nito. Mag la-lay up na sana kaso...

"OWWW" Bulyaw ng mga tao nung bumagsak ang pwet niya sa sahig. Putek kasi ang dalawang dragons na yun eh! "Tsk. Okay lang yan! Fighting number 26!!!" napatawa na lang kami ni Daniella kay Kim. Kanina pa kasi siya sigaw ng sigaw, cheer ng cheer kay Alex! Ang cute niyang tignan.

"YAAAAAH!!" Hiyawan ulit ni Kim sabay sa mga tao, pagkatapos niyang mag free throw. "Kayo di ba napapanis laway niyo? Cheer naman para sa team!!" masigla niyang sinabi. Di ko akalain na ganitong ka hyper a si Kim, daig niya pa ang micropono maka sigaw eh

"Ikaw Daniella? Stella? Sino ang chi-nicheer niyo?" Si Alex. Kaso nasayo na eh..."Ah.. Jac-...este.si ano...si Kurt!!" sagot ni Daniela na parang nag hehesitate pa siya. "Ikaw Stel?" tumingin silang dalawa sa akin. Nag isip ako...

"Si..si Ginno!!" sabi ko."GO GO GINNO!!!" sigaw ko habang kinakaway ko siya, nakuha ko naman ag attensiyon niya pati nadin ang ibang Huskies. Pansin ko naman na tinawanan ata nila ako. Naaramdaman ko tuloy namumula pisngi ko sa hiya. 'To naam si Ginno kumaway din at ngumisi pa sa akin.

The Ultimate Heartthrobs & MeWhere stories live. Discover now