Chapter Twenty Nine (Day before the competition)

Start from the beginning
                                    

Pagkadaan ko naman sa pavilion, nadaanan ko sila Carla at Aldrin. Yung dalawang yun talaga. Hahaha. Hindi pa sila pero daig pa nila sila Jmy at Daniel. Nililigawan pa lang ni Aldrin si Carla, ang sweet nga niya kay Carla kahit kasama nila kami eh. Haaaaaaay!

Nung nakarating na ako sa office, nagpaprint na ako. Mabilis lang pala magprint eh. Akala ko naman marami tong ipiprint. Nung nakalabas na ako. YES! Tapos na yung mga projects. Isusubmit na laaaaaang. Weeeee! Ay! Daan nga ako sa court silipin ko si Aya.

Pagkadaan ko sa court, yiee! Kinilig naman ako dun! Hahaha! Nakit ko si Tyrone may dalang laptop, kahit marami siyang ginagawa binabantayan niya pa rin si Aya. :”>. Dun na lang niya siguro ginagawa yung mga requirements nila. Ewan ko ba kasi dito kay Aya di pa sagutin eh! Perfect na nga si Tyrone para sa kanya eh.

Aya’s POV

YEEEEES! Last training na to! Kailangan din daw kasi naming ng pahinga. Kailangan ko nga talaga. Sumasakit na naman minsan yung puso ko eh. Pero okay lang yan! Maglalaro pa rin ako. Naaawa nga ako dito kay Tyrone eh. Palagi siyang dito sa court gumagawa ng project. Naiinitan pa tuloy siya, sinabi ko naman sa room na lang siya eh. Pero mapilit siya, babantayan daw niya ako.

“Okay Guys! Tapos na ang training niyo. Good Luck bukas sa laro niyo.”

“Thanks coach!”

Naglakad na ako papunta kay Tyrone.

“Hoy lalaki. Tumayo ka na jan. Tignan mo oh, pinagpapawisan ka na” Yiiiee! Hay nako. Para akong ewan.

Ngumiti siya. Hindi gusto yang ngiting yan! Naku mang-aasar lang to eh. “Ikaw ah. Concern ka sa akin ah.”

“Anong concern?! E pano kung sumakit yang ulo mo dahil sa init ng araw ha?! Ako pa yung may kasalanan”

“Hay nako. Okay lang yun. Nandito naman ako para bantayan ka eh” Aaminin ko po nagblush ako. Haha. Sana hindi halata. “At dahil dun, kapag nanalo kayo bukas tayo na. Hahaha. Joke” dagdag niya.

Napaisip ako dun ah, oo nga. Bakit ko nga ba siya hindi masagot-sagot? Ang tanga ko talaga. Sigurado naman na ako sa kanya. Sigurado na nga ba ako? Oo siguradong-sigurado.

“Tara na nga. Puntahan natin sila. Namimiss ko na yung mga yun eh”sabi ko.

“O sige”

Pumunta na kami sa room, tinawag ko si Jen at Jed. Tapos hinanap naming sila Jmy. Nung buo na kami, diretso na kami sa tambayan namin. Eh san pa ba? Edi sa cafeteria. Hahaha!

*cafeteria*

“Buti na lang tapos na training niyo!” sabi ni Jmy.

“Oo nga eh. Namiss ko kayo!”

“Awwwwwww” sabay-sabay sila Jmy, Jen at Carla. Tapos naghug kami.

“Hay nako. Mga babae talaga, ang cocorny” sabi bigla ni Daniel.

“Anong corny ka jan?!” sabay binatukan ni Jmy si Daniel.

“Joke lang!”

Nagtawanan lang kami. Tignan mo tong dalawang to hindi nagbabago. Aso’t pusa pa rin. Parang hindi sila eh. Hahaha. Nag-usap usap at nagtawanan lang kami habang kumakain. Pagkatapos kumain, nagkayayaan na ring lumabas.

“Anjan na ba service mo?”

“Wala pa nga eh. Ang bagal talaga nun kahit kailan.”

“E pano yan? Mauna na pala kami. Anjan na service namin eh”

“O sige, ingat!”

“Okay sige. Good luck sa’yo bukas ha. Kakainis naman kasi bawal manuod eh. May pasok pa kasi eh”

“Okay lang yun! Babalitaan na lang kita”

“Okay. Bye!”

Umalis na siya. Naiwan na lang kami ni Tyrone sa gate. Ilang sandali, dumating na rin yung service.

“Tyrone, alis na ako ah.”

“Ah. Okay sige. Good luck bukas ha!”

“Thank you!” Naglakad na ako palayo, tapos bigla akong napahinto “Tyrone.”

“Hmm?”

“Promise ko sayo, pagnanalo kami bukas. TAYO NA”

“TALAGA?! HINDI NGA?”

“Oo nga!” Hindi ko na hinintay yung reaksyon niya, naglakad na ako palayo. Narinig ko sinabi niya mula sa malayo. IPAGPREPRAY KO NA MANALO KA BUKAS! THANK YOU! GOOD LUCK!

End of Chapter

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Mr. Suplado(finished)Where stories live. Discover now