Rage 25. Perilous

Start from the beginning
                                    

“Clariz please stop this! Pinapahamak mo lang ang sarili mo” pigil ko sa kanya habang nakahawak ako sa wrist nya. Tinignan nya ako ng walang emosyon at mabilis syang nakawala sa hawak ko.

“Can you please shut up?! Psh.. Don’t call me Clariz im not her!” inis nyang sabi kaya napahilot ako sa sintido at naupo sa sofa.

“Kung nandito ka para pigilan ako..pwes umalis kana” diin nyang sabi habang nakatitig sa mukha ko.

“Ano ba itong laro anG ginagawa mo?!” Sigaw ko kaya napasmirk sya.

“Simple lang naman….gusto ko lang paglaruan ang 12saints” nakangisi nyang sagot kaya tumayo na ako.

“Tss…paano mo ba sila nahanap?”

Nagulat ako ng lumapit sya saken at hinila ako sa kwelyo at bumulong.

“I have ways”

Lumayo na sya saken ng konti pero nakatitig parin sya sa mata ko. Hindi na nga talaga sya si Clariz.  Iniba nya ang itsura nya. Kulay pula na ang kanyang buhok at sobrang kapal ng make up na fierce tignan.
Pero honestly ang ganda nya lalo.

“At ang susunod mong itatanong kung bakit kita iniligtas?” nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

Paano nya yun nalaman?

Bigla ulit syang ngumisi at nilapit ang mukha ko sa mukha nya. Napababa ang tingin nya sa labi ko.

“Akala mo ba nakakalimutan ko na ang sinabi ko sayo? I like you Cheldon that's why”

Mahina ko syang itinulak sapat lang para makalayo sya.

“Alam ko si Steve ang mahal ni Clariz kaya wag mong pagsamantalahan ang pagkakataong naagaw mo ang katawan nya”
Bigla nalang syang tumawa ng nakakaloko.

“Oh really? Bakit noong hinalikan kita gumanti ka?hmmm”
Nagulat ako ng itulak nya ako sa sofa at sya naman ang nasa ibabaw ko. Nakatitig lang sya sa mata ko habang walang reaksyon ang mukha.

“Si Clariz ay wala na kaya hinding hindi mo na sya makikita pa… ano pabang hinahanap mo cheldon nandito na sa harap mo ngayon si Clarix”
Inch nalang ang pagitan sa mukha namin.

“Sa kinikilos mo mukhang may gusto ka kay Clariz”

Napaiwas naman ako ng tingin dahil tama sya may gusto ako kay Clariz.

“Si Clariz gusto si Steve pero si Clarix gusto ko si Cheldon”

Napapikit ako ng mariin sa sinasabi nya.  Nanlaki ang mata ko sa gulat ng bigla nalang nya akong halikan. Ewan ko pero hindi ko napigilan ang sarili kong gantihan sya ng halik. Ako naman ngayon ang pumaibabaw sa kanya at hinapit sya sa bewang.  Nag iinit na ang katawan ko habang hinalikan sya. Kumapit sya sa batok ko at mas idiniin ko ang halik.

“Isipin mo nalang na ako si Clariz ang babaeng gusto mo” bulong nya kaya pumikit ako at tumayo. Hindi ko dapat pinairal ang pagkalalaki ko. Mali ito hindi ko na dapat sya pinatulan.

“Tumigil kana” Sabi ko at umatras palayo. Tinignan nya lang ako ng walang emosyon. Hindi sya umimik sa sinabi ko.
Talagang delikado ang magkaroon ng multiple personality disorder dahil magkaibang magkaiba ang katauhan mo pero iisa lang kayo ng katawan. Umatras ako ng umatras habang hindi inaalis ang tingin ko sa kanya. Nakapagdesisyon na ako sa gagawin kong ito.
Nasa tapat na ako ng pinto bago ko sabihin ang huling pag uusap namin.

“Maybe this is the last time we see each other”

Sinara ko na ang pinto at hindi ko mapigilan ang luha kong pumatak. Simula sa araw na ito pipigilan ko na ang sarili na makita pa syang muli.  Kapag pinagpatuloy ko ito baka mahalin ko na sya at traydurin ang sarili ko. Lumingon ulit ako ng isang beses sa bahay nya bago ako pumasok sa kotse. Tumulo ulit ang luha ko kaya mabilis ko iyong pinahid. Ngayon lang ako nagkagusto sa isang tao pero sa maling babae pa. Sa babaeng may mahal ng iba.

Rage of Death (On going) Where stories live. Discover now