Iniba na niya ang usapan. Halatang ayaw na niyang pag-usapan. Hindi na rin ako nagtanong kasi baka pag pinagpatuloy ko ang pag-intriga sa kaniya ma-beastmode na 'to."O kayo ni Jimin musta? Mukha yung chikboy ah? Di ka ba inaano nun?"

Napatawa naman ako. Chikboy? Eh boy nga hanap nun! "Hahaha di talaga kuya." Pinasa ko sa kaniya yung bola.

"Anong di talaga! Wag ka ngang mabulag sa panglabas niya! Mag-ingat ingat ka nga! Marami nang mangloloko sa panahon ngayon."

"Ano ka ba kuya eh bakla yun eh----" Napatigil ako. Whops. Nasabi ko. "Anong bakla? Pumapatol ka sa bakla?" Hahahaha bo² ka Gabi.

-

In the end, nasabi ko lahat kay Kuya Yoongi. Yung kunyarian lang yung pagiging kami at yung sitwasyon ko ngayon.

"Ayan kasi ayan! Tigil tigilan mo nga yan! Ingungudngud ko tong bola sayo!" Ingungudngud sabi niya. Future tense. Pero ginagawa na niya ngayon. Yung totoo?

"Eh!!! Di ko maiwasan...."

"Di maiwasan, di maiwasan...ewan ko sa'yo" at nginudngud uli niya yung bola sa ulo ko. SIGE INGUDNGUD MO PA. PAG AKO LUMIIT EH.

Ipinatong niya ang bola sa aking ulo kasama ng siko niya. Bale nakataas kilikili niya. Ambaho amoy pawis. Bakit ganun si Jimin ambango ng pawis tas etong Yoongi na to. jfslkdfjdfksdjfrojcs

"Pero sabi mo, wala siyang interes sayo?" Nagnod ako habang pasimpleng tinatakpan ang aking ilong.

Hindi sa wala. Walang wala. "At gusto niya yung ...Jeon...Jung....Jung..ah sht whatever?" Nagnod uli ako. Di ako makasalita. Hindi na po ako makahinga wait. Napakabaho ng kili-kili.

"Eh bakit nung nag-double date tayo, iba siya makatingin sayo? Parang may gusto siya sa'yo?" Sa wakas tinanggal na niya siko niya batok ko. Nakahinga na ako ng fresh air. Thank you God for this air. Thank you God for this oxygen that I breathe. Thank you! Thank you! Thank you! Praise the Lord! Alleluia!

"Kuya Yoongi, di mo ba narinig sinabi ko sa'yo na nagaacting nga kami!"

"Alam ko di ako bingi. Pero Hindi. Iba talaga..." Iba? Iba talaga makatingin sa'kin si Jimin? Teka why am I becoming hopeful? Nakaramdam ako na may pag-asa ako kay Jimin...

"Paanong iba...?" Pasimple kong tanong. KINIKILIG AKO TAE. ANONG IBA PAANO NAGING IBA. OH YMFSDNLFD

"Hindi ko rin ma-explain eh. O baka naman nag-aacting nga kasi kayo? O baka dahil bakla nga siya? Hay ewan ko sa inyo! Makauwi na nga Geh bye!" Pinasa niya ang bola sa'kin sabay naglakad papaalis. Tae naman. Nadurog agad yung pag-asa ko!

"Teka bola mo!"

"Sa'yo na nga yan diba!" Wow!!! Huhu Kuya Yoongi u da best! Kahit amoy anghit kilikili mo today!

--

"Uh... kung ako ikaw, habang di pa natatapos, unti unti na akong magdidistansiya para di mahirap." Yun ang advice na binigay sakin ni Min Yoongi kagabi. Ui bat ganun sobrang genius niya? Tama siya! Dapat umiwas ako paunti unti kay Park Jimin. Tama...

Sinimulan ko ang pag-iwas kay Park Jimin ngayong araw na to. Di ko naman siya totally na iiwasan kasi kailangan ko pa siyang tulungan. Paunti-unti lang. Kunyari ngayon, lilimitahan ko na ang paglalandi namin. Sobrang lilimitahan. Tutal, kailangan ng Jikook moments para matapos na 'to. Oo, kailangan...

"Gabi Bhebhe labs~!" Di pa ako nakakatapak sa school campus, bigla na lang may sumakal sa'kin. "Ek--O Jimin. Good Morning" Sinusubukan kong makawala sa yakap--este sakal niya pero di ko magawa.

"Ehh?? Walang Bhebhe labs?"

"Ano ba---Ekkk" Sa tingin ba niya makakabhebhe labs ako ng sa lagay na to? "Ekk---pinapatay mo ko buwiset ka!! Ekkk---" dun niya lang na realize na sinasakal na niya ako.

"Ay sorry sorry! Hahahaha!"Tinanggal na niya ang sakal sa aking leeg at nakahinga na ako sa wakas ng maluwag.

"Geh tawa ka lang. Una na ko." Nauna na akong maglakad sa kaniya. Pero, tumakbo siya papunta sakin at hinarangan ako habang naglalakad. "Teka, teka wala tayong paglalandi this morning?" Tinignan niya ang relo niya upang i-check ang time. "Malapit nang dumating si Jungkook."

"Uh...wala muna siguro."

"Eh bakit?"

"Basta wala! Tumabi ka nga diyan!"

Pinatabi niya ako at pumasok akong school building. Sht teka. Parang masiyado ata akong mataray... "Tumabi ka nga diyan!"  Inulit ulit ko sa utak ko at feeling ko parang ang taray nga. Hala sht! Sensitive pa naman yung pandak na yun, sana wag niyang personalin. Sorry meron lang ako ngayon.

Nagpatuloy ang araw at nagtatago lang ako kay Jimin. Tinatadtad na nga ako ni Jimin ng text kung asan daw ako kasi yung Taekook daw naglalandian. Naawa man ako para kay Jimin, pero sorry talaga. Kailangan kong mag-practice na dumistansya sa'yo.

Akala ko magagawa ko ang plano ko, pero di pala.

"Gabi! Ikaw na lang mag-search for the project please!" Pagmamakaawa ng isa kong classmate na popu na sht.

"Luh bat ako? Bat di ikaw?"

"Please! Ikaw na!"

"Ehh..." Nakakainis kaya! Mga tamad lang to eh! Pag ako na nag-research ako na rin gagawa ng lahat!

"Please Gabi! Please please please!" Sinusubukan kong huwag siyang  pansinsin pero lumuhod talaga siya sa harapan ko.

"Kim Shinyoung...ehh...", ang aking pag-angal.

"Please~~!" Sabi ni Shinyoung sht sabay aegyo. I'm not buying that ano ba. "Pweaaasseeee" Ughjh kadiri

"Ahhh sige na sige na!"

"Yay Gabi! U DA best!" Sabi niya sabay hug sakin. Wow feeling close ka ah. Ngayon mo nga lang ako kinausap since the start of the school year. Sapakan na lang o.

Inirapan ko lang siya nang makaalis na siya.

--

"Anong libro ba yun...uh..." I browsed through the bookshelves as I looked for the book we need for our project. "Ah! There you are!" I exclaimed as I got the book and went to the librarian. Ano ba Gabi bakit ka ba nageenglish? Grammatically incorrect ka naman.

Uh anyway, nang makuha ko na yung hineram ko, bigla kong naisip na nandito na lang din naman ako sa library, hanap na rin ako ng librong babasahin.

Wait di ako bookworm. Di ko talaga hilig magbasa. Sadiyang, gusto ko lang titigan at amoy-amoyin yung mga libro.

Habang naghahanap, napatigil ako sa last row bookshelf hallway sht.

Nagulat ako sa aking nakita. Si Jungkook...at si Jimin...

HELP ME GIRLALOO | JiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon