Thirty-Two

41 1 2
                                    

THIRTY-TWO

Patakbong bumaba ako ng hagdan matapos ayusin ang suot kong civilian attire: plain black shirt and jeans. Late na ako nagising at kanina pa naghihintay si Chris sa akin sa baba kaya halos madapa na akong tumakbo galing sa second floor.

Nakapameywang niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Pareho na naman ulit kami ng suot ngayon. Siya ang nag-suggest eh, sinunod ko lang para hindi na mag-init ang ulo niya. Naiinis pa naman siya sa akin kahapon at di pa nakaganti sa akin.

"Maybe you should tie your hair up." Nakangusong sabi niya. "Mas bagay yun sa'yo eh."

Ngumiti ako at pinanggigilan ang pisngi niya. Kumunot naman ang noo niya at hinawi ang kamay ko.

"Wala akong balak na mabuking ngayon." Sabi ko.

'Pag nakatali lang kasi yung buhok ko, mas madali akong makikilala na si Arianne. Hindi sapat yung bangs para itago yun. Dapat buong buhok ko talaga.

"I don't have any problem with that."

"Natural. Wala kang pakealam eh." Tudya ko at sinamaan niya ako ng tingin.

Tumawa lang ako at hinila na siya palabas ng dorm.

Of course, I was joking when I said he doesn't care. Mas problemado pa nga siya kesa sakin tungkol doon eh. I just love teasing him right now. Kahapon pa, actually. Nakukyutan kasi ako sa kanya kapag naiinis.

Sasakyan niya ulit ang gamit namin at siya mismo ang nagd-drive. Nang tanungin ko siya kung nasaan yung isang sasakyan niya at ang kanyang driver, ang sabi niya lang ay pinauwi na muna ito sa probinsya magmula noong dinala niya ako sa Baguio.

Pagdating namin sa auditorium kung saan magtipon-tipon ang buong graduating batch para sa play, nakabusangot pa rin ang mukha niya at hindi ako kinakausap.

Papasok na kami sa hall nang may tumawag sa kanyang cellphone. Tumingin muna siya sa akin bago sinagot iyon. Nanatili ako sa tabi niya habang kinakausap ang nasa phone. Hindi rin naman kasi siya lumayo.

"No. I won't do that." Tumigil siya at tumingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. "Hang on a sec." Tinakpan niya ang mouthpiece ng phone niya bago ako kinausap. "Mauna ka na sa loob. I'll just finish this call."

Di na niya ako hinayaang sumagot at naglakad na palayo habang kinakausap na naman ang kung sino mang tumawag. Nadidismaya man ay pumasok na rin ako sa hall. Napatigil sa gulat pa ako sa may pinto dahil nakatingin silang lahat sa akin. Sa tingin ko nga ay kami na lang ni Chris ang hinihintay nila at nakapwesto na silang lahat sa kanya-kanyang upuan.

"Inna!"

Kung hindi pa sumigaw si Jenny ay hindi na siguro nila ako lulubayan ng titig. Kumakaway siya sa akin sa may harapan, kasama ang ibang kakaiban namin. Lumapit ako sa pwesto niya at nakipagbatian sa mga kaklase namin.

"Where's your boyfriend?" Tanong ng kaklase namin. Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya at nahiyang magsalita. Nakakapanibago na ang pinaniniwalaan nila ay totoo na talaga. Sinenyas ko na lang na may kausap pa ito sa phone.

"Ang pula ng pisngi mo." Tawa ni Jenny habang paupo ako. Hinampas ko ang braso niya. "Tigilan mo ako."

Tawa lang siya nang tawa sa tabi ko kaya napapatingin na naman sila sa direksyon namin. Nanlumo ako sa kinauupuan ko nang nakisali sa panunukso ang ibang malapit sa amin.

"Tama na 'yan! Magsisimula na tayo!" Natatawang sigaw ni Jessy na nasa stage kasama ang ibang mamumuno sa play. Nasa likod niya si Lyzette na nakangiting aso at si Demmie na seryosong nakatitig sa akin. Hindi nakatakas sa paningin ko ang higpit ng pagkakahawak niya sa laylayan ng dress niya. Nag-iinit na naman ang dugo nito sa inggit.

Perfect For YouWhere stories live. Discover now