Twenty-Two

50 1 0
                                    

TWENTY-TWO

"Arianne... you're alive. Oh, my baby... I'm sorry. I'm so sorry..." hagulhol ni mommy habang nakayakap sa akin.

Hindi ako makagalaw. Alam ko sa sarili ko na  dapat ay yinakap ko din si mommy pero hindi ko magawa, lalo na at nasa akin ang tingin nilang lahat.

Maliban kay mommy, nasa opisina rin sina Ms. Antoque, Mrs. Viernes, Ian Mark, Genevieve at Alexxa. At base na rin sa reaction ng mga Fab, mukha ngayon pa lang nila alam ang tungkol sa pagkatao ko.

"I'm sorry, baby. It's my fault. I'm so sorry..."

Nabalik ang atensiyon ko kay mommy na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako binibitawan. Ramdam ko na rin na basang-basa na ang balikat ko dahil sa mga luha niya. And I can't help but feel awful because of it.

Sinong mabuting anak ba ang hindi masasaktan kapag nakitang umiiyak ang magulang nila? Hindi ba wala? Kaya ayokong makita sila ni daddy o kahit sino sa pamilya ko habang hindi ko natapos ang gusto kong gawin dahil alam kong ganito ang magiging reaksiyon nila, lalo na si mommy.

Hinagod ko ang likod ni mommy para patahanin siya. "Shh. Mommy, it's okay... H'wag na po kayo'ng umiyak, please... It's not your fault." Bulong ko at unti-unti naman siyang tumigil sa pag-iyak. Pero hindi nawala ang tahimik niyang paghihikbi.

Ilang sandali pa ay kumalas na siya sa pagkayakap sa akin at pinahiran ang mga luha niya.

"S-Sorry... Hindi ko lang mapigilan na hindi sisihin ang sarili ko. Hindi ko dapat hinayaan si mama na gawin 'yon sa'yo. I'm such a worthless mother..."

"Mommy, hindi 'yan totoo." Matigas kong sabi dahilan para mapatingin siya sa akin.

Looking at my mother's eyes made me feel even worse than before. I looked at her entire face and it just made me feel even more awful as a daughter. Sa apat na buwan mula noong huli kaming nagkita, naging bakas na sa mukha niya ang pagtatanda. Her face aged faster over the past months that I've been gone. And I know it's because of stress.

"Arianne..."

"Hindi mo kasalanan ang mga ginawa ni lola. Lahat nang iyon ay kagagawan niya dahil sa paglalayas ko. It's not your fault."

She tried to hold me but I shrugged her hand off me, making her frown and making me feel thrice more awful.

Damn it, Arianne. Stop making your mom feel like she's your enemy!

"S-Sorry..." Utal ko at napayuko sa hiya. Huminga ako nang malalim bago inangat muli ang tingin sa kanya. "Bakit po kayo nandito? Inutusan ba kayo ni lola?"

Nanlaki ang mga mata niya sa tanong ko. "N-No. Hindi alam ng lola mo na nandito ako." I tried not to doubt my mother's words but I can't seem to trust them fully either.

"Then, why are you here? How did you know that I'm here?" Pag-uulit ko. Hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin sa akin. I know I already sounded so rude, but I can't tale it back.

"I called her."

Napalingon kaming lahat kay Ms. Antoque. Nakasandal siya sa gilid ng table niya habang nakahalukipkip at seryosong nakatingin sa amin. Looking at her right now made me forget about the secret she's been hiding. Her office attire made her aura even more intimidating, even without her crossed arms. And I can't help but marvel at that.

"Tita..." Usal naman ni Chris na nasa likod ko pa rin. May alam ba siya sa ginawa ng tita niya?

Gusto kong lingunin si Chris pero ayoko naman na mawala sa paningin ko ang ekspresyon ng mukha ni Ms. Antoque. Kailangan kong makita kung sakaling magbabago 'yon dahil sa nagsisinungaling ba siya.

Perfect For YouWhere stories live. Discover now