Twenty-Three

34 1 0
                                    

TWENTY-THREE

Lumipas ang mga oras nang hindi ako makapagfocus nang maayos sa mga ginagawa ko. Ilang beses akong napagalitan ni Ma'am Acelle dahil sa nagagawa kong kalat sa kusina sa halip na maglinis. Pagdating naman sa club room, muntik ko pang magunting ang sarili kong daliri at nasugatan pa sa karayom dahil sa sobrang pag-iisip. Nung mag-gown fitting ang mga kandidata, nagkakamali pa ako ng sukat. Buti na lang at na-double check ni Valerie. Ilang beses na rin akong pilit na pinagpahinga ng mga kaibigan ko pero ayoko naman maging pabigat kaya nagpumilit pa rin ako. 'Yon nga lang, ay naging pabigat pa rin ako sa huli.

"Inna, ako na diyan. Sige na. Baka mamaya masugatan ka na naman. Kaya na namin 'to." Sabi ni Jenny at kinuha mula sa akin ang karayom.

Buntong-hininga akong lumayo sa mesa ko at umupo sa katabing upuan ni ate Lili kung saan niya minamano-mano ang pag-repair sa isang gown.

Hindi mawala sa isip ko ang nabuong konklusiyon tungkol sa katauahan ni Chris. Kung tama man ang hinala ko ay hindi ko alam kung paano ko pa siya patutunguhan. Kung mali naman, panigurado makakahinga ako nang maluwag. 'Yon nga lang, malabo pa rin para sa akin ang sabihin na tama o mali iyon. Wala akong sapat na ebidensiya para suportahan ang pagtataka ko sa kanya.

"Are you okay?" Tanong ni ate Lili.

"I'm fine. Masyadong magulo lang talaga ang isip ko ngayon."

"Is it because of your mother?" Mahinang tanong niya, sapat lang para marinig ko.

Umiling ako. "Okay na kami ni mommy. Nakausap ko na siya kanina. Iba 'to."

Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin. Nag-angat ako ng tingin kay ate Lili. Nakatingin  siya sa akin at tila nagtataka kung ano iyong gumugulo sa aking isipan.

"Never mind. I don't want to talk about it." Sabay baling ko sa direksyon nina Jenny. Nagtatawanan sila habang pinagkukuwentuhan ang pagdating ni mommy dito sa DMA.

Gustong-gusto nilang makakuha ng picture o kahit signature lang kagabi pero hindi sila makalapit dahil hinaharangan sila ng SC, sa pangunguna ni Ian.

Pagsapit ng 5PM ay inanunsyo na ni Valerie na pwede na kaming umuwi. Dapat rin na maaga kami bukas para matapos na ang lahat ng gowns at maagang mailipat sa auditorium kung saan gaganapin ang pageant.

Hindi katulad ng mga nagdaang mga araw, walang dumating na kahit sino sa mga Fab. Hindi iyon ipinagtataka ng iba dahil abalang-abala sila sa mga gawain. Pero ako, iyon agad ang una kong napansin.

"Inna..." Napatigil ako sa pagliligpit ng mga gamit at napatingin kay Valerie. She's smiling from ear to ear. "I can't thank you enough for what you've done to help us. You saved us from literal hell."

Mahina akong natawa at ngumiti. "You're welcome. And besides, I'm glad I was able to help out. Tho, pasensya na at naging pabigat pa ako ngayong araw." May panghihinayang sa boses ko.

"Ano ka ba? Wala 'yon 'no! Naiintindihan ka namin. Ayon nga sa kambal, hindi naging madali ang mga pinagdadaanan mo nitong mga nagdaang araw. You're just stressed out and it's natural to make mistakes at work."

As an actress, I already know that. Ilang beses akong nagkakamali sa shootings and interviews dahil sa pagod pero iba itong distraction ko ngayon. It's because of one person and his mysterious identity.

"Salamat sa pag-intindi."

"No biggie. So pa'no, kita na lang tayo bukas?" Tumango ako. "8AM, okay?"

Perfect For YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang