Thirty

28 1 0
                                    

THIRTY

"Wait here. I'll be right back." Sabi niya bago bumaba ng sasakyan at nagmadaling pumasok sa isang convenience store.

I have been crying ever since he told me what happened years ago. At wala siyang ibang ginawa kung hindi ay patahanin ako at niyayakap. Nung kumalma na ako ay minaneho niya ang sasakyan sa pinakamalapit na convenience store, kung nasaan kami ngayon.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi niya. But who am I kidding? My grandmother already pronounced me dead. Napapaisip tuloy ako... If, four years ago, Chris didn't leave, would my grandmother kill me? Hindi ko alam pero kinikilabutan ako sa naisip kong iyon.

Wala pang limang minuto ay nakabalik na si Chris na may dalang mineral water. Binuksan niya iyon bago binigay sa akin.

"Here, drink some." Aniya.

Umayos ako sa pagkakaupo at kinuha ang bote. "T-Thanks..." Gumagaral pa rin ang boses ko dahil sa pag-iyak.

Halos inisang tuka ko yung laman ng bote. Pero laking pasalamat ko na mas pinakalma noon ang pakiramdam ko. Sumulyap ako kay Chris na nakatitig lang sa akin.

"Feeling any better?" Tanong niya. Nahihiya akong magsalita kaya napatango na lang ako.

How can he be so casual after confessing his feelings for me? Hindi na ba siya natatablan ng hiya?

Napatingin ako sa labas ng bintana. May isang grupo ng magbabarkada na nakatambay sa labas ng tindahan. At halos lahat sila, lalo na yung mga babae ay nakatingin sa direksyon ng sasakyan namin.

Nakilala ba nila siya?

"Uhm..."

"Kung hindi pa maayos ang pakiramdam mo, hindi muna tayo aalis dito." Aniya pero agad akong umiling.

Magsasalita na ako nang maramdaman kong may bumabara pa rin sa lalamunan ko. Tumikhim ako. "T-Tayo na. Baka may makakilala pa s-sayo dito."

Ngumiti siya sa akin at tumango. "Okay."

Nagmaneho na ulit siya ngunit halata na walang patutunguhan iyon. Nagpalibot-libot lang siya sa mga daan na gusto niyang daanan.

"Kailan ka kinausap noon ni lola?" Sa wakas ay naitanong ko. Kanina pa ako nito binabagabag ngunit di makahanap ng tiyempo dahil sa pagkailang.

"During the victory party of our last movie. She cornered me with her bodyguards."

Pilit kong inaalala ang araw na iyon. Parati kaming magkasama noon pero hindi ko naman napansin na nagkausap sila.

"Paano? Magkasama tayo palagi nun. How did she–"

"Arianne, hindi mo naman ako sinasamahan na magbanyo."

That shut me up. Oo nga naman. Matalino si lola at mabilis kumilos kaya nakakaya niyang gawin iyon.

"Was that why you were so off that day?"

Hindi namin siya makausap nang maayos noon. Kahit nung pinagsalita siya para sa isang thank you speech ay nagkabuhol-buhol ang mga salita niya. Akala namin nagbibiro lang siya kaya tinatawanan lang namin. If only I have known what happened.

"I'm sorry. Kung alam ko lang, sana natulungan kita..." sabi ko. Hindi maiwasang hindi makaramdam ng pagka-guilty.

"It's okay. Hindi mo kailangang mag-sorry. Isa pa, desisyon ko rin naman na 'wag sabihin iyon sa'yo. If I did, baka naitanan kita noon pa."

Nanlaki ang mga mata kong nilingon siya. Hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon nang deretso!

"What?!"

Perfect For YouWhere stories live. Discover now