Fourteen

23 1 0
                                    

FOURTEEN

"Pasensya na kayo sa kalat. Hindi ko alam ba may bisita pala kami ngayon dito." Nahihiyang sabi ni Eugene nang makapasok kami sa dorm.

Bumungad sa amin ang nakakalat na mga t-shirts at mga kahon sa buong sala. Halo matambakan na rin siya ng mga ito dahil sa sobrang dami.

"A-Ayos lang."

"Do'n ba lang kayo sa kwarto mo." Sabi ni Chris at tumango ako.

Hinila ko naman ang kambal na nakatulalabg pinagmamasdan ang mga dekorasyon sa loob ng dorm. Di ko rin sila masisisi kung bakit ganun na lang sila katulala dahil nakakamangha naman talaga.

Paakyat kami sa hagdan nang makasalubong namin si Josie. As usual, magkasalubong na naman ang mga kilay niya habang nakatingin sa akin.

"Masyadong magulo ang sala. Pumayag na rin si Chris." Inunahan ko na siya dahil halata naman na magtatanong rin siya kung bakit. Mas lalong kumunot ang noo niya at ginapang naman ako ng kaba.

"A-akyat na kami." Nauutal ba sabi ko at nilagpasan namin siya.

"Uy, Inna. Sigurado ka ba na okay lang na nariro kami?" Tanong ni Jenny nang makalayo na kami kay Josie.

"Si Chris na mismo ang nagsabi. So, I guess it's okay." Sagot ko at tumigil sa harap ng pinto ko.

Pagbukas ko ng pinto, sabay silang napasinghap. Napa-iling na lang ako pinapasok sila sa loob.

"Whoa!"

"Ang laki! Grabe, Inna! 'Di mo man lang sinabi na ganito pala kaganda ang bago mong dorm. Tapis itong room mo, shems ang laki!" Halos mabali na ang leeg ni Jenny sa kakaikot ng tingin sa kabuoan ng silid.

Napangiwi ako habang sinasara ang pinto.

Oo, malaki ang room ko. Pero mas malaki pa rin yung sa mga lalake. 'Di lang ako masyadong namangha dito nung una kasi ganito rin kalaki yung room ko sa bahay namun sa Manila.

And yeah, I do miss my room.

"Upo muna kayo." Sabi ko at naglakad palapit sa closet ko.

"Okay labg ba kung dito sa kama mo?" Tanong ni Jessy.

"You can sit anywhere you want."

Binuksan ko ang closet ko at nilabas ang clear book na naglalanan ng designs jo. Chineck ko muna iyin ng maigi at baka may naisingit akong picture ni Arianne—at hindi nga ako nagkamali!

May iilang family photos akong naisingit sa hulung page kaya nilabas ko agad yun at sinuklip sa isang libro sa closet ko.

Nang sa tingin ko ay wala nang litrato roon ay lumapit na sa kambal na naghagikhikan sa kama ko.

"Here." Inabot ko yun kay Jenny at agad naman nilang tinignan ang laman nun.

Umupo na rin ako sa kabilang side ng bed para mapaliwanag sa kanila ang iilang designs.

"Oh my—Inna! These are amazibg! Bakit ngayon mo lang 'to pinakita sa amin?" Manghang-manghang sabi ni Jenny habang nagfi-flip ng pages.

"'Di lang makatiyempo. 'Lam mo na, may KJ akong amo–"

"Na boyfriend mo na ngayon." Singit ni Jess.

Ngumiti ako kahit sa isip ko ay nakairap lang ako.

"Paniguradong magugustuhan ito ng members!"

"Pwede pa namang sumali sa club niyo, 'di ba?" I asked. Gustong-gusto ko talaga kasi na mapabilang sa isang FD Club. I want to work on my designs with other people.

Perfect For YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora