Twenty-Eight

21 1 0
                                    

TWENTY-EIGHT

Magtatatlong araw na magmula noong dinala ako ni Chris sa kung saan man ito. Pero sa tagal na iyon ay hindi pa rin kami nagkakausap nang maayos.

Magmula noong kinuha niya sa akin ang phone ko ay hindi na naman niya ako kinikibo. Kung tutuusin, parang hangin na lang din ako e. Kung makadaan siya sa harap ko, parang wala lang ako.

Pero hindi ako doon naiinis. Ang kinaiinisan ko ay ang palagi niyang abala sa sariling cellphone. Mula pagkagising hanggang sa pagtulog, laging babad sa phone niya. May pa 'no friends, no family' pa siyang nalalaman, ta's 'yon pala, siya itong walang ginagawa para magkausap kami nang maayos.

"Yes. I'll send it later..." Napangiwi akong tumingin kay Chris na may kausap na naman sa phone niya. Umupo siya sa kabilang dulo ng sofa. "Huh? No. Please, no. Just let me handle this on my own. I'll call you when we need your help. Bye."

"Sino na naman iyon?" Tanong ko. Saglit lang siyang tumingin sa akin bago ibinalik ang atensiyon sa phone niyang tumunog na naman. Katulad noong mga nakaraan, hindi niya sinasagot ang mga tanong ko.

Gumapang na ang inis sa katawan ko kaya bago ko pa siya masuntok ay umalis na ako sa sala at pumasok sa kwarto.

Humilata ako sa kama at humingang malalim. Ilang araw pa lang ang lumipas ay halos mamatay na ako sa pagka-bored dito. Gusto kong lumabas pero hindi naman ako hinahayaan ng bwiset. Kinuha rin niya ang phone ko kaya hindi ko rin makausap ang mga kaibigan ko. Hindi ko rin naman hilig ang manood ng TV buong araw lalo na't iniiwasan kong makapanood sa local channels at baka may makita na naman akong kagagawan ni lola. Natapos ko na ring linisin ang buong unit kahapon kaya literal na wala akong magawa ngayon.

Ilang sandali pa ay pumasok si Chris sa kwarto. Wala na siyang kausap sa phone pero hawak-hawak niya pa rin ito. Tumingin siya sa akin, tila may gustong sabihin. Pero bago pa siya makabigkas ng salita ay inirapan kp na siya at tinalikuran.

"Arianne..." My breathing hitched when he called my name. "Can we talk?"

Bumangon ako mula sa kama at tiningnan siya nang masama. Matapos niya akong balewalain ng ilang araw ay bigla siyang hihiling na mag-usap kami? Ano siya, hilo?

I rolled my eyes at him and walked out of the room. Dumeretso ako sa kusina at alam kong nakasunod siya sa akin.

Nagsalin ako ng tubig sa baso at uminom. Nasa likod ko pa rin si Chris at hindi siya nagsasalita.

Nang mailapag ko ang baso sa lababo ay bigla na lang niyang hinila ang braso ko at pinaharap sa kanya. Galit ko siyang tiningnan, nilalabanan ang naiinis niyang tingin.

"Ano ba? Kailangan nating mag-usap!" Bulyaw niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh. So, now you want us to talk? After ignoring me for two days, you want us to talk? Bakit? Sawa ka na ba sa mga nakakusap mo sa phone kaya ako na naman ang pagkakaabalahan mo? Spare me the bullshit."

"Hindi ko naman intensyon na balewalain ka nitong mga nagdaang araw. There's just so much to do kaya naging pabaya ako sa'yo."

"Talaga? Ganun ka ba ka-busy para kalimutan ang pakay mo kaya mo ako dinala dito? Anong nangyari sa 'no friends, no family' rule mo? Pang-isahang araw lang ba 'yon? Kung oo, ibalik mo na ang phone ko sa akin!"

I saw his jaw clench. "I can't do that."

"What do you mean you can't? Ang sabihin mo, unfair ka talaga! Ganyan ka naman talaga, 'di ba? Kahit noon pa. You don't care about others! You don't care if they'll go insane because they can't talk to anyone but the wall! You don't care what happens to them just so you can achieve what you want!"

Perfect For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon