Thirteen

33 1 0
                                    

THIRTEEN

"Hello po! Pwede po kayong ma-interview? Saglit lang po ito."

Kalalabas ko pa lang ng banyo ay yan na ang salubong sa akin ng mga taga-photojournalism club.

"Oy kayo. Hindi nga siya pwedeng ma-interview!" Saway ni Jenny sa kanila pero inirapan lang siya.

Kahit may exams kasi, hinahabol pa rin nila ako para mainterview. Kaya palaging pinapasama ni Chris sa akin ang kahit sino sa kambal para naman daw may pumigil sa kanila.

And it's been going on like this for four days already. Last day of exams na ngayon pero di pa rin nila ako tinitigilan. Di lang sila nakakalapit kapag kasama si Chris.

"Sige na, ate. Tatlong questions lang at tapos na." Pagpupumilit ng isa.

"Sorry but I really don't want to do it." Sabi ko.

"Bakit naman? Sige na. It's just a quick interview. Just answer the questions and we're done." Sabi naman ng pinakamatanda sa kanilang tatlo.

"Ang titigas talaga ng mga ulo oh." Rinig kong bulong ni Jenny at sumasang-ayon naman ako doon.

Even before when I was in the industry, I hated interviews. Minsan di na ako makakapag-spend ng quality para sa sarili ko dahil lagi silang nakabuntot sa akin.

"Genevieve!" Napalingon kaming lahat sa tinawag ni Jenny.

Di kalayuan sa amin ay naglalakad si Genevieve kasama si Alexxa. Nang makita niya kami ay agad naman siyang lumapit sa amin.

"M-Ms. Genevieve!" Nanginginig na sambit ng dalawa sa pangalan niya habang yung isa ay puno ng pagkaarogante.

Nakakunot ang noo ni Genevieve na tinitignan ang mga babae. "Kinukulit niyo na naman si Inna? Did you forget what I told you?"

"S-sorry po."

"Tss. Parang sino namang sikat."

"Hey, watch your words." Saway ni Alexxa sa nagmamaldita pero inirapan lang siya nito.

I hate that attitude.

"Umalis na kayo bago pa kayo maabutan ni Chris."

"Let's go." Sabi ng maldita at umalis na sila.

"Pasensya na dun, Inna ah. I already warned them but they really just won't listen." Sabi ni Genevieve at ngumiti ako.

Si Genevieve ang president ng PJ Club at minsan ay siya ang sumusuway sa mga club members niya na gusto akong kunan ng pahayag.

"It's okay. Thank you na rin sa ginawa mo."

"No worries. Sige. Alis na kami."

"Bye."

"Balik na tayo sa room. Magsisimula na yung susunod na exam."

Pagdating namin sa room, nilapitan agad ako ni Chris. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at tinignan ang mga parte ng mukha ko pati ang mga braso ko.

Panay irap naman si Jenny sa ginagawa niya kaya hinampas ko siya sa braso para tumigil.

"What? I'm just making sure. Baka kasi may nanakit sa'yo habang wala ako." Sabi niya at natawa na lang ako.

Simula nung pag-amin niya nung Lunes, lagi na siyang ganito. Kahit na magkasama kami buong araw, pagdating namin sa dorm lagi niya pa rin akong chinecheck.

Nakakapanibago nga lang kasi dati, hindi naman niya ako sobrang binibigyang pansin.

"Aba aba! Nag-abala ka pang manghingi ng pabor sa amin ng kambal ko ta's di mo naman pala kami pagkakatiwalaan? Ganyanan Averoza?" Singit ni Jenny at kunot-noong napatingin naman sa kanya si Chris.

Perfect For YouWhere stories live. Discover now