Twenty-Nine

29 1 0
                                    

TWENTY-NINE

"Bakit ang dami nitong in-order mo? Parang hindi ka kumain nang buong araw ah?" Tanong ni Chris habang inaayos ang mga inorder kong pagkain.

Sobrang dami nga ng in-order ko.  Karamihan ay Japanese food, which, of course, is my favorite. Ngayon ko lang din iyon napansin dahil nakalahad na lahat sa mesa. Manghang-mangha pa siyang tumingin sa mga ito. Ewan ko na lang kung mamamangha pa rin siya kapag nalaman niyang dahil sa kanya ay nawalan ako nang gana kumain buong araw.

Nanliit ang mga mata kong tiningnan siya. Nakangiti siyang naglagay ng bento sa harap ko. Hindi lang ako sigurado kung dahil iyon sa nangyari kanina o dahil ba may iba siyang iniisip ngayon.

"Oh? Bakit ganyan ka makatingin sa akin ngayon?" Nagtatakang tanong niya nang mag-angat siya ng tingin sa akin.

Umirap ako. Kinuha ko yung chopsticks at tinanggal ang takip ng bento. Nagsimula akong kumain pero nakatitig pa rin siya sa akin. Hindi nawawala yung ngiti niya sa kanyang gwapong mukha.

Nawala lang ang atensiyon niya sa akin nang tumunog ang phone niya—yung phone na pinahiram niya sa akin pero ipinagpalit lang din sa phone na gamit niya. Naging abala siya sa pagbabasa ng text kaya nagpatuloy na ako sa pag kain.

"Kakain ka ba o hindi?" Tanong ko nang makitang hindi pa niya ginagalaw ang isang bento, kahit man lang yung mga side dish. Samantalang ako ay malapit nang matapos.

Nabalik ang tingin niya sa akin pero nawala na iyong gwapong ngiti niya. Binalik ko na rin ang atensyon ko sa pagkain.

"Are you still mad...at me?" Tanong niya.

I stopped chewing my food and glanced a look at him. Seryoso na siyang nakatingin sa akin na siyang nagpa-ilang sa sarili ko. I shifted on my seat before finishing my food. Hindi sinagot ang tanong niya.

Kalalagay ko lang ng chopsticks sa ibabaw ng ramen bowl nang hawakan niya ang kamay ko. Napatigil ako at tumingin sa kanya.

He's smiling at me, pero iba ang dating nun sa akin. Masyadong malungkot. Masyadong nakaka-guilty sa pakiramdam. Parang imbes na siya ang may mali ay biglang nalipat ang lahat ng kasalanan sa iyo.

Hindi ko kayang tingnan siya'ng ganun kaya nag-iwas ako ng tingin at pumikit.

"Stop that." I said.

I felt his hand twitch at that but he didn't let go of my hand. Mas humigpit pa ang hawak niya rito. Napamulat ako nang dahan-dahan niya itong inangat at tuluyang napabalik ng tingin sa kanya nang dumampi ang labi niya sa mga daliri ko.

"I'm sorry..." His voice cracked and my heart shattered when I saw a tear escape from his tightly closed eyes.

Napamaang akong makita siyang nagkaganito. I've never seen him like this ever since. Kahit sa mga roles na ginampanan niya dati, hindi iyon ganito kasakit tingnan at hindi rin mabigat sa pakiramdam. Masyado itong totoo. Hindi ko matanto kung pinepeke lang niya ito ngayon o totohanan na talaga.

He really needs to explain everything before he acts like this. Para naman may ideya na ako kung pinaglalaruan niya lang ba ako o hindi.

"I...I want to hear your explanation first..." sabi ko, hindi pinapahalata ang epekto sa akin ng ginawa niya. Lalo na yung puso kong nagsisimula na namang magwala dahil lang sa simpleng galawan niya.

Perfect For YouWhere stories live. Discover now