Nine

27 2 0
                                    

NINE

"Nana..."

"Rianne! Anong ginagawa mo dito? At bakit basang-basa ka?" Aligagang tanong ni Nana. Siya ang nanay ni ate Shy at dati kong yaya.

"Nasiraan po kami ng sasakyan. Nandyan po ba si Tatang?" Tanong ko.

"Nasa likod. Pumasok ka muna at kailangan mong magbihis."

"Ah, Nana, may kasama po ako." Sabi ko at hinila si Chris na nagtatago sa gilid.

"Magandang hapon po." Bati ni Chris. Napatingin naman si Nana sa kanya at parang nagulat.

Sa tingin niyang yun, alam kong ano ang ibig sabihin nun. Ningitian ko si Nana at tinapik ang balikat niya.

"Alam niya po." Sabi ko at parang nabununtan naman ng tinik sa dibdib si Nana.

"Pasok kayo. Saglit lang at tatawagin ko si Tatang mo." Sabi niya at iniwan kaming nakatayo sa sala.

Binalot ko sa katawan ko yung polo ni Chris para mabawasan yung lamig kahit sobrang basa na rin nun.

"Are you cold?" Tanong ni Chris at umiling ako.

Bumalik naman si Nana na may bitbit na dalawang towalya at mga damit. Nakasunod naman sa kanya ang isang matandang lalake na naka-raincoat.

"Heto, magbihis muna kayo at maghahanda lang ako ng kape." Sabi ni Nana nang i-abot sa amin yung mga damit at towalya.

"Salamat po."

"Saang banda ninyo iniwan ang sasakyan?" Tanong ni Tatang.

"Sa may kabilang kanto po." Sagot ko habang pinupunasan ang mukha ko.

"Sasamahan ko na po kayo. Baka kasi magtaka yung driver ko." Sabi ni Chris at sumunod kay Tatang sa pintuan.

"Magdala ka ng payong." Sabi ni Nana.

"Wag na po. Basa na rin naman ako."

Umalis na agad sila ni Tatang kahit na sobrang lakas pa rin ng ulan.

Pinagbihis naman ako ni Nana at baka magkakasakit pa raw ako. Buti na lang talaga at malapit lang itong bahay nila Nana.

Akala ko namalik mata lang ako kanina nang nadaanan namin ito pero hindi pala. Di kasi ako masyadong pamilyar dito sa lugar nila dahil di rin naman ako umabot ng dalawang linggo sa pananatili ito.

Halos mag-iisang buwan na rin mula nung huli akong nandito. Dito ako sa kanila tumutuloy habang inaayos ni ate Shy yung enrollment ko sa DMA. Malakas din kasi ang kapit ko kay Nana dahil siya yung nagpalaki sa akin at si Tatang yung dating driver namin.

"Uminom ka muna ng tsokolate." Sabi ni Nana at nilapag ang baso ng mainit na tsokolate sa lamesa.

"Salamat po." Kinuha ko yun at humigop ng kaunti.

Ang sarap sa pakiramdam kapag uminom ng mainit tuwing umuulan.

Umupo si Nana sa tabi ko at humarap sa akin.

"Anak, yung kasama mo, paano niya nalaman na ikaw si Arianne?" Natigilan ako. Paano ko ipapaliwanag? Sasabihin ko ba na nakuha niya ang diary ko?

Perfect For YouWhere stories live. Discover now