Six

22 2 0
                                    

SIX

Natapos ang klase sa buong araw ay di pa rin bumabalik si Chris. Ang bumalik lang nun ay si Josie.

Di naman nagawang magtanong ng mga kaklase ko sa kanya kung anong nangyari dahil nagsusungit ito.

Ang nakagawa lang na magtanong ay si Lyzette.

"Mauna ka na sa dorm. I have to go somewhere." Sabi ni Demmie kay Lyzette. Kaming tatlo na lang ang naiwan dito sa room. Nauna na rin kasi ang kambal sa akin dahil kailangan pa nilang pumunta sa cafeteria.

"Wag mo nang sundan si Chris." Ani Lyzette.

"I'm not going to follow him!"

Sumulyap ako sa dalawa. Napatingin naman si Demmie sa akin pero inirapan niya rin ako at lumabas.

Inayos ko na rin ang mga gamit ko para makaalis na ako.

"Inna!" Napatigil ako sa paglalakad nang tawagin ako ni Lyzette. Tumakbo naman siya palapit sa akin.

"Sabay na tayo. Pupunta rin naman ako sa guys' dorm." Sabi niya.

"'Wag na. Maglalakad na lang ako."

"No. I insist. Wala naman si Demmie so it's fine."

Napabuntong-hininga na lang ako dahil mukhang wala na rin akong takas sa kanya.

"Okay."

"That's more like it!"

Umangkla naman siya sa braso ko at naglakad kami palabas ng building.

May nakaabang na sasakyan sa harap at nag-bow naman sa kanya ang lalakeng nakatayo sa tabi nito.

"Sasabay siya sa atin ngayon. But don't tell Demmie, okay?" Ani Lyzette sa lalake.

"Yes, miss."

Pinagbuksan niya kami ng pinto sa sasakyan at agad naman kaming pumasok doon. Umikot yung lalake sa harap ng kotse at tsaka pumasok sa driver's seat.

Tahimik lang kami sa byahe. Ayoko rin naman maging feeling close kay Lyzette lalo na't Top 2 siya.

Ang lalakarin kong sampung minuto ay naging limang minuto na lang sa byahe.

Bumaba agad kami ng sasakyan pagkarating sa dorm at kinausap naman ni Lyzette yung driver niya.

"'Wag mo na lang akong hintayin. Magpapahatid lang ako kay Josie mamaya."

"Yes, miss."

Pumasok kami ng dorm at naabutan naman naming nagtatawanan sina Ian at Eugene sa sala habang inaasar si ML.

"Ate Lyzette! Ate Inna!" Nagmadali namang tumayo si Eugene at lumapit sa amin.

"Akyat muna ako. Kailangan ko pang tulungan si Manang." Sabi ko pero pinigilan na naman ako ni Lyzette.

"Oh come on! Wala naman si Chris ngayon. Take a day off from that jerk." Aniya at ngumisi sa akin.

Sakto naman na dumating si Manang Selma at naglapag ng juice para sa bisita.

"Tama si Lyzette, Inna. Sige na. Samahan mo na lang sila dito. Kaya na namin ni Ineng ang mga gawain." Sabi ni Manang kaya wala na rin akong nagawa.

Tuwang-tuwa naman sina Lyzette at Eugene at hinila ako paupo sa sofa. Pinagitnaan naman ako nina Ian at Lyzette.

"Where's Josie?" Tanong ni Lyzette.

"In his room. Introvert mode." Sagot ni ML at bumusangot naman ang mukha ni Lyzette.

Perfect For YouWhere stories live. Discover now