Seven

20 2 0
                                    

SEVEN

It's been three weeks since I arrived here in DMA. Pero di pa rin ako talagang nakakapagbonding masyado sa iba naming kaklase.

Madalas kasi, sinasadya ni Chris na utusan ako. Hindi siya nagbabago. Pero hindi na rin siya kasing suplado nung dati.

Nakakapagtaka nga eh. Simula nung dumating ang parents niya, hindi na niya ako masyadong inuutusan ng mahihirap na bagay o kaya ay pinapahiya sa ibang tao.

"Inna, natapos mo na ba yung assignments natin?" Tanong ni Jenny habang naglalakad kami palabas ng cafeteria.

"Yung isa lang. Di ko pa nasisimulan yung kay Ma'am Honda."

"Ganun?"

"Mmm. Bakit?"

"Isasama ka sana namin bukas mamasyal sa Flower Sanctuary. Blooming season kasi ngayon ng nga bulaklak."

"Ahh. Sorry Jen pero di talaga ako pwede bukas." Bwiset kasi na Chris yan! Di na rin ako pinapayagang lumabas kapag weekends.

"Sinong di pwede?"

Nagulat naman ako nang may biglang umakbay sa amin ni Jen. Paglingon ko, si Lyzette pala.

"L-Lyzette!"

Nitong mga nagdaang araw, madalas sumasabay sa amin si Lyzette. Abala daw kasi si Demmie sa Student Council pati na rin si Jessy na member din pala nun.

Nagulat nga ako nang malaman kong kaibigan pala talaga ng kambal itong si Lyzette. Palibhasa, siya kasi ang pinakapalakaibigan sa klase.

"Si Inna." Nakasimangot na sabi ni Jenny at tinignan naman ako ni Lyzette.

"A-Ano kasi..." Ano na namang idadahilan ko? Baka nasasawa na sila sa dahilan ko na marami akong gagawin tuwing weekend.

"Si Chris na naman? Ay nako! Leave that one to me."

"'Wag! I mean, hindi naman sa ganun. Basta di talaga ako pwede bukas." Pag-aangal ko sa binabalak niyang gawin.

"You're not fooling me this time, Inna." Sabi ni Lyzette at napayuko na lang ako. Alam niya eh. Lagi kasing kinukwentuhan nina Ian at Eugene.

"Let's go. Ipagpapaalam kita ngayon din."

Di na ako nakaangal pa dahil hinila na niya ang braso ko. Ningitian naman ako ni Jenny habang nakasunod sa amin.

Nagpunta kami sa Fab Garden kung saan sila tumatambay kapag break. Dito rin namin sila hinahatdan ng pagkain tuwing lunch.

Lumapit kami sa puno kung saan umiidlip si Chris. Katabi naman nito si Josie na nakaupo at nagbabasa ng libro.

"Chris Averoza!" Sigaw ni Lyzette at dumilat naman ang isang mata ni Chris at tumingin sa amin. Pero pumikit din ulit ito.

"What do you want?" Tamad niyang tanong sa amin.

"Payagan mo nang lumabas si Inna bukas at sumama sa kambal sa Flower Sanctuary." Nagulat ako sa deretsahang pagsabi ni Lyzette.

"U-uy..." Kinilabit ko sa Lyzette pero di niya ako pinansin.

"No." Napasimangot ako sa sagot ni Chris.

Bigla namang lumipat si Lyzette ng pwesto sa tabi ni Jose at kinuha ang librong binabasa nito.

"What the hell, Lyzette?!" Galit na sigaw ni Josie. But Lyzette just crossed her arms in front of him.

"Tell him."

"What?"

"Sabihan mo na payagan si Inna lumabas bukas."

Perfect For YouWhere stories live. Discover now