Twenty-Six

32 1 0
                                    

TWENTY-SIX

Sa mahigit sampung minuto kong paglalakad-takbo, natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakatayo sa harap ng isang malawak na lawa na may gazebo sa isang gilid.

Alam kong malawak ang sakop ng lupain ng DMA pero hindi ko inasahan na ganito iyon kalawak na may sariling lawa pala sa loob ng campus.

The place looked ancient yet well-preserved.  There are even birds sticking around the waters as if freshening up themselves.

But what caught my attention wasn't the clear waters nor the birds nor the gazebo nor even the pretty variety of flowers around it. It was the huge statue in the middle of the lake.

Isang lalakeng nakaluhod sa isang tuhod at may inaalay na rosas sa langit habang may tinatatagong hawak na kahon sa likod niya. Para siyang nagpo-propose sa araw.

Kahit hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha niya, nalulungkot ako pa rin ako. May something sa statue na nagpapalungkot ng damdamin ko.

Nakalimutan ko ang lahat ng nararamdaman kong galit sa kakaisip kung bakit nalulungkot akong tinitingnan ang statue. I felt at peace while looking at it.

Nang tumirik na ang araw, sumilong ako sa gazebo at naupo sa hammock na naroroon. May maliit na mesa din ito sa sahig. Siguro may ibang pumupunta rin dito para magpahangin.

Nakailang ring na yung phone ko sa bulsa pero hindi ko yun tinitingnan at pinatay na lang. Pinaghahanap na siguro nila ako. Pero sa ngayon, ayoko muna silang harapin.

I need this time for my self.

Hindi ko alam kong ilang minuto o oras na ba akong naroon at nakatitig lang sa statue pero alam kong gutom na ako kaya nagpasya akong bumalik na lang sa cafeteria o 'di kaya ay sa dorm.

Eksaktong pagkaalis ko sa hammock ay may narinig akong yapak ng mga paa sa kahoy na sahig ng gazebo.

Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko habang tahimik na ipinagdadasal na sana ay hindi ito si Chris o si Lyzette o kahit sino sa kambal.

Sumalubong sa akin ang gulat na mga mata ni Andrea. May yakap-yakap na naman siyang makapal na libro kaya kitang-kita ko ang paghigpit ng hawak niya doon.

Ngayon ko pa lang siya ulit nakita magmula nung ipinakilala siya sa akin ni Lyzette.

Akmang tatalikod na siya at handa na atang tumakbo pero pinigilan ko siya.

"Andrea, wait."

Nanatili siya sa pwesto niya at unti-unting humarap sa akin. Hindi siya makatingin sa akin nang deretso. Her eyes kept wandering else where until she decided to look down instead.

"Sorry po. I didn't know you were there. Naistorbo ko ata kayo." Napataas ako ng mga kilay sa sinabi niya.

"Ah, it's okay. Paalis na rin naman ako. At tsaka," sumulyap akp sa librong dala niya at sa mesa na nasa bandang gilid ko. "Mukhang ako pa ata ang nakaistorbo sa pwesto mo."

Agad siyang umiling. "H-Hindi naman po."

Napangiti ako sa inaasal niya. Magkaedad lang sila ni Charisse pero magkalayo ang ugali nila lalo na sa pakikitungo nila sa mas nakatatanda sa kanila.

Charisse never bothers to use honorifics in any way, except for the ate/kuya. But that's just it.

"Una na ako." Sabi ko at naglakad papunta sa kanya.

Perfect For YouWhere stories live. Discover now