Eighteen

26 1 0
                                    

EIGHTEEN

"Hm? Yeah... Oo. Nagpapahinga siya ngayon... Sige, salamat."

Unti-unti kong sinubukan na imulat ang mga mata ko para makita kung si Chris ba talaga iyong nagsasalita. Saglit ko lang namulat ang nga mata ko dahil sa sobrang bigat nito sa pakiramdam. Yung likod lang niya ang nakita ko pero sapat na iyon na makumpirma na nandito nga siya.

"S-Sino yun..?" Mahina kong tanong. Dinig ko pa ang pamamaos ng boses ko.

Naramdaman kong umuga ang gilid ng kama at may humaplos sa ulo ko.

"Si Jenny. Pinagpaalam lang kita para makapagpahinga ka ng maayos." Sabi niya. Pinagpaalam niya ako? But they need me there.

Kahit ayaw ng katawan ko ay pinilit kong bumangon. Padahan-dahan hanggang sa nakaupo na ako. Napahawak rin ako sa ulo ko nang maramdaman kong kumirot iyon sa sakit.

Hindi ko na maalala kung ano ang nangyari kagabi matapos akong yakapin ni Chris. At di ko na rin maalala kung kailan ako nakatulog.

"I-I need to go t-there..."

Hinawakan niya ang balikat ko. "No. Dito ka lang. You need to rest."

"Pero yung–"

"Look, Jenny already agreed that they will take care of it. Ang kailangan mo lang gawin ay magpahinga. Dito ka lang buong araw at ipapahatid ko lang kay Manang ang pagkain mo."

I shrugged his hand off my shoulder and looked at him. "Chris, I'm not sick! And I'm not staying here all day!"

"Yes. You. Are!" Sabay hawak niya ng mahigpit sa braso ko.

Dahil sa sobrang inis ko, marahas kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko na kahit ako ay nasaktan din. Napamura pa ako sa utak ko nang humapdi iyon.

"No. I. Am. Not." Giit ko at umalis sa kama.

Kamuntikan naman akong matumba nang tumayo ako dahil bigla akong nahilo. Humawak ako sa gilid ng kama para magkaroon ng suporta habang pinapahupa ko ang pagkahilo.

"You need to rest..." Aniya at lumapit sa akin.

"I'm fine."

Tumayo ako nang matuwid at iniwasan na tumingin sa kanya bago nagtungo sa banyo.

Tulala akong nakatayo sa ilalim ng bumubuhos na tubig galing sa shower. I'm having flashbacks of what I heard last night. I can still even remember how emotionless my grandmother looked while telling the public that I am dead.

Napahawak ako sa dibdib ko at napahagulhol ulit ng iyak. It hurts so much. And I don't know when I'll be able to cope up with this pain.

Inabot ako ng halos isang oras sa loob ng banyo. Mas mabagal pa sa pagong ang kilos ko dahil na rin sa pag-iyak ko. Hindi ko rin alam kung dapat ba akong magpakita kina Jenny nang ganito pero kailangan dahil marami pa kaming gagawin.

Suot ko lang ang bathrobe ko nang lumabas ako ng banyo. Halos mapatalon naman ako sa gulat nang makita ko si Chris na nakaupo pa rin sa gilid ng higaan ko.

Inangat niya ang ulo niya at nagkatinginan kaming dalawa. Ako ang naunang umiwas ng tingin dahil hindi ko siya makayang tignan. Pagkatapos ng nangyari kagabi at nang napagtanto kong nararamdaman para sa kanya? Hindi ko na ata siya mahaharap nang maayos.

Naglakad ako palapit sa closet ko at kumuha ng damit bago bumalik sa banyo para makapagbihis. Plain black shirt at faded jeans lang ang suot ko. Simple lang dahil puro trabaho lang naman sa club ang pagkakaabalahan ko ngayon.

Pagbukas ko ng pinto, inasahan ko na nasa kwarto ko pa si Chris, pero pagtingin ko, wala na siya. Nauna na atang umalis. Ang naiwan na lang ang tray na may pagkain na nasa study table ko.

Perfect For YouWhere stories live. Discover now