Twenty-Seven

25 0 0
                                    

TWENTY-SEVEN

"Hoy, Inna! Nasaan ka na? Kanina ka pa namin hinahanap. Halos libutin na namin yung buong campus, MIA ka pa rin. Nagpunta rin kami sa dorm niyo kanina, ang sabi ni ate Ineng hindi ka raw umuwi doon. Where the hell are you? Pinag-aalala mo na kami nang husto. Anong oras na oh?!"

Kung isang baril itong si Jenny, masasabi kong isa siyang armalite. Ang bilis talaga rumatrat ng bibig eh. Kakabukas ko pa lang ng phone ko ay nakapasok na agad yung tawag niya at heto ngayon, ginawang shooting range ang tenga ko.

Nilayo ko ang telepono mula sa tenga ko at tiningnan ang oras. [ 9:53 PM ]

Tinanggal ko ang towalya sa ulo ko at nilagay iyon sa laundry basket. Katatapos ko lang maligo at nakapagbihis na rin ng t-shirt at shorts na ewan ko kung saan nakuha ni Chris. Napabuntong-hiningang humiga ako sa sofa bago nilagay ulit sa tenga ang telepono.

"Sorry. Isinama kasi ako ni Andrea kanina sa isawan. Tapos natangay pa ako ni Chris sa kung saan kaya di na ako nakabalik sa dorm." Sabi ko. Hindi binabanggit ang mga nangyaring sagutan sa pagitan namin ni Chris.

"Eh nasaan ka ba ngayon? 'Wag na 'wag kang magaisinungaling sa akin at baka mapuruhan pa kita bukas."

Napanguso ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Hindi ko pa rin kasi alam kung nasaan kami ngayon. Nilibot ko ang buong unit (oo, unit dahil halatang condo ito at hindi hotel o inn), pero wala akong mahanap na palatandaan kung anong condo ito at saan. At ewan ko lang talaga kung totoo ba iyong two weeks kaming mananatili rito.

Ngumuso ako. "Hindi ko alam eh."

"Anong hindi mo alam? Seryoso ka ba? Sinong nagdala sa'yo dyan?"

"Si Chris. Hindi niya pa rin sinasabi kung nasaan kami."

Tumingin ako sa veranda na nasa tapat ko. Madilim sa labas. Sobrang dilim. Nung sumilip ako kanina, wala akong nakitang kahit isang ilaw maliban na lang sa buwan.

Hindi ko rin naman magawang magtanong ulit kay Chris dahil sa nangyari kanina. Hindi niya rin ako pinapansin kahit nung kumakain kami at nauna pa talaga siyang pumasok sa parehong silid na ikinalagyan niya sa akin kanina.

"Magkasama kayo?!"

"Siya nga kasi ang tumangay sa'kin dito 'di ba? Kaya oo, magkasama kami."

"Oh..."

Kumunot ang noo ko sa naging reaksiyon niya. Akala ko bubulyawan na naman ako pero bakit napipi ata 'to?

"Hello? Jen? Nand'yan ka pa ba?" Hindi na kasi nagsasalita sa kabilang linya eh.

"Y-Yeah. Sorry, Inna. Gotta go. Pinapatawag kami ni tita. Tawagan na lang kita ulit bukas. Good night!"

"Ganun ba? Sige. Good night."

Pinatay niya agad ang tawag. Dinalaw na ako ng antok at nakailang hikab na habang nakatutok pa rin sa labas ng veranda.

Gusto ko nang pumasok sa kwarto at matulog kaso nandoon pa si Chris. Ayoko namang magkatabi kaming matulog lalo na't hindi pa kami bati dahil sa dami ng atraso niya sa akin.

Napalingon ako sa pinto ng kwarto nang bumukas iyon. Lumabas si Chris na ngayon ay naka-khaki shorts at puting t-shirt lang at umupo sa couch na nasa ulohan nitong sofa na kinahihigaan ko. Wala siyang sinasabi at binuhay lang ang TV sa harap.

Bakit siya lumabas pa dito? May TV naman sa kwarto ah?

Nilipat niya ang channel sa isang football game. Hindi ko kilala ang teams na naglaro kasi hindi rin naman ako mahilig manood ng football. Kung basketball, pwede pa. Pero ito, mas dinagdagan lang nito ang antok ko lalo na at magkakalahating oras na ay wala pa ring nakaka-goal sa dalawang teams.

Perfect For YouWhere stories live. Discover now