Eight

34 2 0
                                    

EIGHT

Pagkatapos naming magbayad ng entrance fee ay iniwan ko si Chris na kinakausap ang lalakeng nasa front desk at naunang maglakad sa may nakasabit na mga orchids.

Kilala pala siya dito kaya napahaba ang kwentuhan nila.

Sobrang namangha ako sa pagkaka-arrange ng orchids at sa pagkakaalaga nito. Inilabas ko ang phone ko at kumuha ng mga pictures nun. Lalo na't iba't-iba ang kulay nila. May ilan nga na ngayon ko lang nakita.

Abala ako sa pagkuha ng mga litrato nang marinig ko ang hagikhikan at bulungan ng mga babae sa likod ko.

"Oh my gosh! Ang gwapo niya!"

"Mag-isa lang kaya siya?"

"Mukhang wala naman siyang ibang kasama. Tara magpapicture tayo!"

"Oh em gee! Let's go!"

Tumingin ako sa likod ko at nakitang nilalapitan ng mga babae si Chris. Mukhang di nga siya nagbibiro. Dinudumog nga siya.

Nagpanggap akong di ko yun napapansin at nagpatuloy sa pagkuha ng mga litrato ng mga bulaklak.

Aliw na aliw akong pinaglalaruan ang mga nakita kong Makahiya na halaman nang may biglang umakbay sa akin. Lilingunin ko sana kung sino yun nang may dumampi na labi sa pisngi ko.

Awtomatikong umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha.

"Hey." Sasapakin ko sana siya nang maalala ko yung napag-usapan namin. Damn it!

Nang lingunin ko siya, nakangiti siya sa akin. Ningitian ko rin siya.

He wants to play, right? We'll play then.

"Tapos ka nang kausapin ang kaibigan mo?" I asked sweetly. Pero ang totoo, nagsitayuan na ang mga balahibo ko sa katawan.

Tumango naman siya. "Gusto ka niya sanang makilala kaso nauna ka na dito."

Sumulyap ako ng tingin sa mga babae. Halos hindi maipinta ang mga mukha nila habang nakatingin sa amin. Shocked, perhaps? I gave them a smirk before turning my attention back to Chris.

"Sorry. Na-excite kasi ako nang makita ko ang mga bulaklak."

"Tara na?" Tanong niya at tumango ako.

Tinanggal niya ang pagkakaakbay sa akin at hinawakan ang kamay ko. He even filled the gaps between my fingers and held it tightly.

Nagsimula na ulit kaming maglakad nang marinig ko na naman yung mga babae.

"Who is that?"

"Bakit niya kasama si pogi? She's a nerd!"

"This can't be happening!"

This can't be happening nga talaga. I wonder how they would react if they find out that I'm Arianne Mendoza, though? Masasabi pa rin kaya nila yun?

Nagpatuloy lang kami sa pagpapanggap kahit nakakarindi na. Tuwing may gustong lumapit sa kanya na mga babae, inaakbayan niya ako kaya napapaatras sila. May iilan naman na gusto siyang kunan ng picture kaso inuunahan ko sila.

I pulled him closer to me and kissed his cheek at the same time snapping a pic using my phone. Nagulat siya sa ginawa ko pero pati rin naman ako ay nagulat din. Ningitian ko na lang siya at nagpatuloy kami sa paglalakad.

Perfect For YouWhere stories live. Discover now