Eleven

35 2 0
                                    

ELEVEN

Tahimik. Nakakabinging katahimikan ang pumapalibot sa amin sa hapag kainan. Nakaalis na yung ibang lalake at kami na lang ni Chris ang naiwan dito.

Pagkatapos nung eksena sa kwarto niya kanina ay hindi ko na siya magawang tignan ng deretsahan. Para akong naiilang na ewan.

Am I that affected with what he said? Pero bakit naman ako maging apektado? Walang namamagitan sa amin. I'm only his personal maid, nothing more.

"Ako lang ang nakakakilala sa'yo."

Napatingin ako kay Chris na tahimik na kumakain nang maalala ko ang sinabing yun ni James dati.

Could it possibly be..?

No. It's a mere coincidence. Di yun maaari.

Napaiwas agad ako ng tingin nang inangat niya ang tingin sa akin.

"Are you done?" Tanong niya at marahan akong tumango.

I'm not yet done. Pero nawalan na akong ganang kumain.

"Let's go." Tumayo na siya kaya tumayo na rin ako. Derederetso siyang naglakad palabas ng dorm habang nakasunod ako sa kanya.

Sa labas, nakaabang na si Manong driver at pinagbuksan na si Chris ng pinto sa sasakyan.

"Get in." Sabi niya sa akin kaya pumasok na rin ako sa loob. Nang makapasok na siya ay sinara na ni Manong ang pinto at umikot sa driver's seat.

"Sa may cafeteria niyo kami ibaba."

"Sige po, sir."

Napatingin ako kay Chris. Anong gagawin namin dun? Ito ba ang sinasabi niya na siya ang bahala kay Ma'am Acelle?

Nang makarating kami sa cafeteria ay wala ako sa sariling bumaba ng sasakyan. Di ko ma-imagine ang mukha ni Ma'am Acelle ngayon. For sure, galit na galit siya.

Konti na lang ang estudyante sa cafeteria ngayon dahil may pasok na yung iba.

"Chris, you don't have to do this." Sabi ko pero binalewala niya lang ako.

Pagdating namin sa harap ng staff room, awtomatiko akong napahawak sa manggas ng polo niya.

"Let go." Matigas niyang sabi.

"Don't do this. Ako na ang haharap kay Ma'am Acelle." There's a benefit to me with him doing it but I just feel that he's not fit to do this for me.

"I said, let go." Pag-uulit niya pero hinigpitan ko lang ang kapit sa manggas niya.

"Inna!" Napalingon ako sa gawing kaliwa ko nang marinig ko ang boses ng kambal. Napabitaw ako kay Chris at humarap sa dalawang patakbo na lumapit sa akin.

"Anong ginagawa niyo diyan?" Tanong ni Jenny.

"Where's Mrs. Yap?" Rinig kong tanong ni Chris.

"Ah, wala si Tita dyan ngayon. Actually, wala din tayong class for the first two periods kasi may meeting daw yung faculty and staff this morning." Pagpapaliwanag ni Jessy.

"Ibig sabihin, di ako mapapagalitan?" Tanong ko at nagkatinginan naman ang kambal.

"No, no. Excused ka raw for the entire day. I'm not sure about the details, pero may tumawag daw kaninang madaling araw."

Tumawag? Sino?

Nilingon ko si Chris pero seryoso lang siyang nakatingin sa kambal.

Perfect For YouWhere stories live. Discover now