Three

29 2 0
                                    

THREE

Wala na. Hindi na magiging mapayapa ang buhay ko dito sa DMA.

That jerk is seriously going to take his revenge on me!

"Dios ko, Inna! Mas pinalala mo lang ang sitwasyon mo ngayon! Nag-sorry ka nga pero tinadyakan mo naman siya." Halos manlumo ako sa sinabi ni Jessy.

Nandito ang kambal sa kwarto ko sa dorm. Dumeretso kami dito pagkatapos nung ginawa ko kay Chris sa rooftop.

"Anong magagawa ko? Ginalit niya ako eh." Sabi ko habang yakap-yakap ang unan ko.

"Kahit na! You can't deny the fact na mas may kontrol siya sa mga bagay-bagay dito laban sa'yo."

Tumayo si Jenny at pinaupo ang kambal niyang kanina pa ako pinapangaralan. Hayy.

"Tama na yan. Inna, alalang-alala lang kasi kami sa'yo. Baka kasi ano na namang gagawin ni Chris." Ani Jenny.

"I know. Sorry. Sa susunod, magpipigil na ako."

"It's okay. Basta, kapag may problema ka, nandito lang kami ni Jessy. Hmm?"

Inangat ko ang ulo ko at tinignan silang dalawa.

"Thank you ha? Kakakilala ko lang sa inyo pero ganyan na ang turing n'yo sa akin." Sabi ko.

"It's the least we can do. Isa pa, alam naman naming mabait kang tao."

Tinabi ko yung yakap kong unan at niyakap ang kambal. They hugged me back also.

Nagpaalam na rin sila pagkatapos dahil kailangan pa nilang mag-aral.

Nang ako na lang ang naiwan sa room ay humiga ako sa kama.

Nag-flash sa utak ko ang mga nangyari sa araw na ito. Mula sa pagkabangga ko kay Chris hanggang sa pagsigaw at pagtadyak ko sa paa niya.

Napapikit ako at pilit na kalimutan yung ginawa ko.

Things are not going according to plan.

Kinuha ko ang phone ko at nanatiling nakatutok sa screen na may mukha ko nung ako pa si Arianne Mendoza.

It was a candid shot during one of my photoshoots. And I looked like I did not have any problems at all.

Pero ngayon, unang araw ko pa lang ay pakiramdam ko pasan ko na ang mundo dahil sa ginawa ko.

I shook my head and got up.

Should I call mom? Panigurado sobrang nag-aalala na yun sa akin.

It's been a month since I last went missing. I left without a trace and enrolled here in DMA. Hanggang ngayon ay balita pa rin na nagkakagulo ang pamilya ko dahil sa pagkawala ko.

Ako iyong pangalawang naglaho na parang bula sa industriya kasunod ni James Lopez na nawala rin two years ago. He was my on-screen partner and we both debuted at the same time.

Hula ng ilan, sumunod daw ako kay James. But that's only half of the reason why I left. Nandito ako para tuparin ang pangarap kong makapagtapos ng pag-aaral at maging fashion designer. Balang araw, mahahanap ko rin si James. Pero ngayon, focus muna talaga ako sa pagtupad ng pangarap ko.

Tinabi ko yung phone ko at di na nag-abalang tawagan si mommy.

They'll be fine without me. And I'll be back as soon as I finish what I came here for.

Kinaumagahan, maaga ako gumising para pumunta sa cafeteria para sa trabaho. Nagkasalubong ko ang kambal sa hallway kaya sabay na rin kaming naglakad.

Perfect For YouWhere stories live. Discover now