Twenty-Five

23 1 0
                                    

TWENTY-FIVE

Kung may isang bagay na kinaiinisan ko sa pamamalagi ko dito sa DMA, 'yon ay ang mas pinagulo nito ang isipan ko.

I've been told that this Academy is full of secrets, at talgang pinaniniwalaan ko na iyon.

Kagabi, hindi ako lumabas ng kwarto dahil binabagab ang isip ko ng mga tanong na hindi malinaw ang sagot hanggang sa makatulog ako. Hindi na rin ako nakakain ng hapunan kaya nang magising ako sa sumunod na araw ay humihilab ang tiyan ko.

Pagkatapos kong mag-ayos ay nagmadali akong bumaba para makakain. Kakatapos lang ni Manang na magluto habang inaayos ni Ineng ang hapag. Napatingin sila sa akin.

"Akala ko hindi ka pa gising. Sobrang himbing kasi ng tulog mo kagabi." Sabi ni Ineng nang nakangiti.

"Nagutom kasi ako bigla." Sabay ngisi ko.

"Maupo ka na at kumain. Ihahatid ka ni Franco ngayong umaga." Seryosong sabi ni Manang nang di man lang tumitingin sa akin.

"Franco? Sino po yun?" Di ako sinagot ni Manang dahil tinalikuran na niya ako at bumalik sa kusina. Kaya si Ineng na lang ang sumagot sa tanong ko.

"Siya yung isang driver ni Chris. Siya ang naatasang maghatid-sundo sa'yo simula ngayon."

"Anong meron at bigla na lang may sundo ako?" Taas-kilay kong tanong habang paupo sa upuan ko.

"Ewan ko. Akala ko nga sinabi sinabihan ka na ni Chris tungkol diyan." Kibit-balikat niyang sagot at umupo rin sa tabi ko. Sasabay ata sa akin na kumain.

Now speaking of Chris. I haven't seen him the entire day yesterday nor have I heard him here in the dormitory. Kahit ngayong umaga, hindi ko nararamdaman ang presensya niya o kahit sino man sa mga Fab.

"Hindi pa kami nagkakausap. Sa totoo lang, noong Friday ko pa siya huling nakita." Kinuha ko yung kanin at naglagay non sa pinggan ko.

"Hindi ka man lang man ba tinawagan o tinext?"

Umiling ako bilang sagot sa tanong niya at naglagay ng itlog at hotdog sa pinggan.

"Hindi ko nga alam kung saan nagpunta iyon." At hindi naman sa gusto kong malaman talaga. Nakakapagtataka lang na wala sila lahat. But maybe it's already a normal thing for them.

"Nag-away na naman ba kayo?" Nanliit ang mga mata ni Ineng na tinanong iyon. Hindi ko alam kung bakit natutuwa ako sa pang-iintriga niya ngayon. Hindi ako sanay na ganito siya sa akin. Madalas kasi nagmamasid lang yan.

Tumawa ako at kinibit ang mga balikat ko. Hindi ko rin naman masasabi na nag-away kami kasi nga hindi pa kami nagkakausap. Pero hindi ko maitanggi na naiinis pa rin ako sa ginawa niya at posible, nang lahat ng kaibigan niya.

Hiding his real identity from me? For what? To make me look like a fool. Ewan. Gusto kong marinig ang paliwanag niya but at the same time ay ayaw ko.

"Bilisan mong kumain dyan, Inna. Paparating na si Franco." Bilin ni Manang nang dumaan siya sa likod namin.

"May ginawa ba akong mali? Bakit pakiramdam ko ay parang galit si Manang sa akin?"

Nakaganti ng tawa si Ineng at napailing bago sinagot ang tanong ko. "Wala ka nga talagang alam. Dadating ang kapatid ni Chris. Dito na daw mag-aaral. At namomroblema si Manang kung paano niya ito mababantayan kung gayon ay sa regular dorms ito tutuloy."

Perfect For YouWhere stories live. Discover now