Chapter Twenty Seven (The past)

Start from the beginning
                                    

Flashback

Ang saya ko ngayon kasi ngayon ko na lang ulit makikita yung mga classmates ko dati nung elementary ako. May party kasi sa bahay nila Siena. Ayun sinundo na ako ni Jennifer tapos pumunta na kami.

*Party*

Dumadating na yung iba naming kaklase dati, yung iba daw susunod na lang doon. Nagtitingin ako ng mga dumadating, tapos nagulat ako bigla sa dumating. Tumingin ako kay Jell. O_O

“Sorry Aya, hindi ko alam na pupunta sila.” Ha?!

“Ano bang meron bakit sila…………………….nakaholding hands?”

“Hay nako Aya, di mo ba alam sil----------------“ sabi ni Rey pero naputol yung pagsasalita niya kasi tinakpan ni Jell yung bibig niya sabay sabing, “Sssssssssh! Ikaw talaga ang daldal mo. Kumain ka na nga lang! Baka mamaya sumama pa yung loob ni Aya eh.”

“Ano ba yun? Sabihin niyo na hindi sasama yung loob ko?” sabi ko.

“Sure ka?”

“Oo naman. Parang di niyo naman ako kilala”

“Sabagay. Sige na nga. E kasi Aya, wag kang mabibigla ah………..Si Lawrence at Kaye na” SILA NA?! Bakit ganito ang pakiramdam ko, parang hindi ako makagalaw sa kinakaupuan ko. 1 year na kaming break pero bakit ganito?! Alam ko naman nakamove-on na ako ah!

“Aah, Okay. Kelan pa?” Pinilit kong ngumiti para di ako maiyak. Kaya ko pa naman pigilan eh.

“Dati pa Aya. Nung March pa sila eh, so malapit nang mag1 Year noh Jennifer” Ha? MARCH?! E nagbreak kami, October ah! Ang bilis naman magmove-on. Feeling ko tuloy ako yung nagmukhang tanga!

Sabagay, halos 3 months lang naman naging kami. Pero bago naging kami, we’re bestfriends. Oo bestfriend ko si Lawrence in more than 2 years bago naging kami! Tapos ganun ganun na lang niya tinapon lahat ng mga pinagsamahan namin?! Hindi ko naman kasalanan na magkaiba na kami ng school sa highschool eh. Hindi ko alam kung bakit kami nagbreak, basta ang sabi lang niya busy na daw kaming dalawa at wala na kaming time sa isa’t-isa. Tapos ayun di na siya nagtext, so ibig sabihin nakipagbreak na siya sa akin. 5 months din siguro ako nagmove-on tapos nakita ko sa summer journalism si Tyrone dun ko na siya naging crush. Ano ba to?! Talambuhay! Tseeeee!

“Hoy Aya. Okay ka lang ba? Sabi ko sainyo wag na nating iopen eh” Di ko napansin tumutulo na pala yung luha ko.

“Okay lang ako” Tapos ngumiti ulit ako at pinunasan ang luha. Alam ko hindi ako okay, pero magmumukha akong tanga pag-umiyak pa ako dito.

End of Flashback

Pag naaalala ko yan, lalo akong naiiyak. Buti na lang nakapatay ang ilaw dito sa GYM kasi may film showing. Lumayo na rin ako kila Jmy kasi baka mapansin nila. Patuloy na tumutulo yung luha ko, tapos may nangangalabit sa akin. Ano ba yan! Sino ba to?! Tumingin ako sa tabi ko, si Tyrone. Okaaay punas luha.

“Okay ka lang? Bakit ka umiiyak?”

“Hindi ako umiiyak”

“Ano ka umiiyak ka kaya”

“Hindi nga eh.” Pilit niyang hinawakan yung mukha ko.

“Oh ano pala tong basa na to? Laway?”

“No comment.” Ganyan ang taong wala ng masabi kasi buking na siya. Haha!

“Bakit ka umiiyak? You can trust me naman eh”

Mr. Suplado(finished)Where stories live. Discover now