Pamagat

46 0 0
                                    

Itong mga obra ng mga nagsikalapati nay sadyang nakakamangha
Mapalad akot nakahalikan nitong mata ang mga idinulot ng kanilang isipan
at siyang magbuntis din at manganak ng iba't ibang pananaw
Mapalad akong tunay ngunit sa isang banday hindi rin
Bagamat ang maging paaralan ang mga nalikha ng mga sinaunay
Tunay na humubog sa aking sisidlan ng kaalaman
Tantong katotohanan din na ang lumikha ng panibagoy may kahirapan
Pagkat kung may malikha kang
Pakaaninagan ng mga tagahusga ng pagkakatulad sa mga obra ng nakaraan
Huhusgahan nila ang yung likha
Sasabihin nilang pangkaraniwan lamang ito
Bagamat ang sa tunay ay bawat malikha natiyn ngayoy
Halos halaw sa mga nauna na
Kaya ang kaawaan na lang siguro ng mga bituin
O kayay ang mga gawang nakasandal sa kapitan na lamang
Ang syang magkaroon ng pagkakataong
Lumakbay sa karagatan ng tagumpay
Magkaganon may hindi yaon hadlang
upang ipinid na natin yaring pinto
Ang malaman lang nating may ilang
naantig din nitong ating kathay
Sadyang sapat nang tumang
Oo ang malaman nating mayroon napulot
Na konting kaalaman ang iba sa ating ibinuhos na tag ulay
Talagang halaga sa atiy higit pa sa ginto ang katimbang
Na syang magpapanatili upang hayaan lamang nakabukas itong pinto
upang makapasok pa ang iba
Sinasagisag nito na hindi nabigo ang ating adhikain
Na kagaya ng mga alamat nay tayo riy nakapagpunla ng buto
Kaya mangyaring lumisan man ngayon itong hamak na kaluluway
Handa na tayong maglakbay sa panibagong panimula
Dahil mayroon na tayong iniwang puno para sa susunod na henerasyon
Na pagkukunan nila ng bunga
Naway hindi lason ang maidulot nito
Kundi lasang kakaiba sa pangkaraniwan
Lasang mananatili kahit hindi na ito ang nakahain
Nagmala butiki na ang kapit ng lasa nito sa isipan
Ang aking natikmang ibat ibang panlasay
Bumuo sa punong ito
Mula sa mapait o dili kayay mga pangyayaring may katamisan
oo, ang punong itoy hango sa natikman kong pagkain
sa lamesa ng buhAy




Kabiguan Ng ManunulatTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang