SUGAT SA PUSO

47 1 0
                                    

Pagdurugo nitong puso'y
Di maampat
Lanseta'y di mo ginamit
Ngunit mas malalim
Ang sugat na binuhat
Binuhat kong pag-ibig
Mula sa'yo
Milyong kilo ang bigat
Akala ko mahal mo ako
Ngunit yun pala
Pala aking gagamitin
Upang maibaon sa limot
Ang ginawa mo sa aking sala
Sa sumpa mong puro mali
Isa lang ang nakita kong tama
Tama nitong baril ng pag-ibig
Sa puso ko bumaon
Ang nagliliyab na bala.

July 7, 2017

Kabiguan Ng ManunulatWhere stories live. Discover now