Simbolo Nang Pasko

141 27 5
                                    

Mga nag-uunahang mga alitaptap nga ba

Humuhuni't kumakanta

Ala dyamanteng kumikislap, bumibighani sa mata

Kulay ginto, berde, asul at pula


O kaya'y itong matanda na bigote ay mahaba

Labis na mahal ng mga paslit dahil sa mga regalong dala-dala

Tumitingin sila sa kalangitan baka sakaling makita nila ang siyam na usa

Umaasa silang nawa'y mapuno ang medyas na sinabit nila sa bintana


Ito kayang puno na pinapalibutan ng palamuti

Kampana, bituin, makulay na mga bola at anghel na nakangiti

Dili kaya'y itong hugis na kaagapay ng buwan sa gabi

Kadalasa'y isinasabit sa labas, may maliit at malaki


O baka itong kapanganakang imahe

Ang sanggol na si Jesus, Maria at Jose

Kadalasa'y may anghel at tatlong hari

Sa lugar na napapalibutan ng mga dayami


Ang tunay na simbolo ng pasko'y ating mawawari

Hindi sa mga materyal na bagay, sa mga nabibili

Kundi itong pag-ibig na nasa puso nati'y dapat na ibahagi

Gawin nating simbolo ng Pasko ang ating sarili



2015

Merry Christmas sa lahat...

Mysterious_aries




Kabiguan Ng ManunulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon