Ang Maglingkod Sa Bayan

283 43 7
                                    

Ang maglingkod sa bayan, kung papasukang tunay

Sa simula ng ikot ng orasan, puso’y ginto kung ialay

May paninindigan, tapat at paglilingkod na walang kapantay

Ito ang mga prinsipyong sa simula’y  isinabuhay

Ang maglingkod sa bayan, kung nakalagak ka na ng tunay

Sa konting pag-usad ng gulong ng panahon

Mapapabuntung hininga ka, iiling at magdadalawang isip

At doon ang prinsipyo’y mamamata mo, na isakatupara’y may kahirapan

Ang maglingkod sa bayan, kung nasadlak ka na ng tunay

Sa bilis ng pagpapalit-palit ng araw at buwan

Malilihis ka, tatamari’t magbabago sa maraming kadahilanan

At di mo naaninag na ang prinsipyong simulan mo ay nawawalan na nang tuluyan

Ang maglingkod sa bayan, kung nalulong ka na ng tunay

Sa milyong milyang tinakbo na ng mga kamay ng relo

Naging manhid, makasarili’t naging marahas

Ang prinsipyong ipinangako’y tuluyan ng nautas….

Mysterious Aries

Kabiguan Ng ManunulatWhere stories live. Discover now