Alitaptap Ng Kalangitan

293 52 4
                                    

Madalas tayong humiling sa mga alitaptap

Itanglaw ating paningin higitan ang layo ng mga ulap

Natikman may samu't saring bagyo ng pasakit at hirap

Habang may bahaghari tuloy ang pag-abut sa makulay na pangarap

Tunay nga na di tayo nawalan ng pag-asa kaibigan

Patuloy tayong tumitingin sa alitaptap ng kalangitan

Nanalangin na sana'y ginto'y ating matanganan

O kaya'y mabigyan tayo ng pang-unawa't karunungan

Sino nga ba ang di nangarap ng yaman na materyal

Di ko ninais ikubli sa wika na ang dyamante ay ayaw kong makamal

Subalit kung di sa'kin ipapalad ang araw-araw na magandang almusal

Di ko ninanais na asamin ang yaman ng iba, sa pagiging mala kriminal

Bagkus akong aba'y nagsisipag ng labis

Upang ang maipakain ko sa aking anak ay sadyang malinis

Galing sa aking lakas, mula sa aking pawis

Patuloy lang ang hiling sa mga alitaptap baka sakaling yaman sa aki'y mailapis

Ngunit mapalad ako sa isang kapalaran

Binigyan ako nang kayamanang pera'y di matutumbasan

Busilak na kalooban, pagmamahal sa kapwa't pang-unawang ginto'y di kayang parisan

Mga ugaling di ko ipagpapalit sa materyal na pilak o katansoan

Maikli ang buhay nating nakaguhit sa mga ulap

Kung sakali mang magwakas tayong di naabut ang pinangarap

Naniniwala akong sa kabilang dako'y tayo parin ay  kikislap

Kikislap sa kalangitan, magiging isang maningning na alitaptap...

writen: January 27, 2015 at 12:00 

Medyo magulo pa ito... Ayusin ko na lang pag may time... Antok na...

Mysterious Aries

Kabiguan Ng ManunulatWhere stories live. Discover now