Ugali ng buhay
Ang Ipagdasal ang kaluluwa ng patay
Ang iligtas sila'y pwede pa ba?
Doon sa may kadiliman
Di ba sapat na ang kanilang ipinakita?
Ang kanilang ibat-ibang gawa
Noong sila'y nabubuhay pa
Di ba sa bagay na'yon hahatulan sila?
Simbahan ay patuloy na pinagdarasal
Ang kaluluwa ng isang patay
Maililigtas pa ba nila?
Itong isang taong masama ang ginawa?
Sige tuloy pa rin si Padre
Ipinagdarasal ang kaluluwa ng marami
Basta may iabot ka ligtas ka na
Dahil Itong si Padre ipagdarasal ka
Ito tuloy pa rin sila
Ipinagdarasal ang patay na kaluluwa
Tayo pa kaya'y may magagawa
Samantalang ang kaluluwa nati'y hindi natin alam kung ligtas na?
written: Nov. 1, 1999
Mysterious Aries
ESTÁS LEYENDO
Kabiguan Ng Manunulat
PoesíaMga tulang naisisilang tuwing pinagniniig ko ang lapis at papel...