Tahan na
Masisisi ba natin itong isipan na musmus
Tuwing siya'y mag-isa'y pinaghaharian ng luha
Na ang kaibuturan ng puso'y pinamugaran ng kalungkutan na lubosTahan na
Tingin niya'y kapalara'y pinaglalaruan siyang tunay
Bawat araw hinahagupit siya ng masasamang salita
Mga kaklaseng mapanadyak sa paaralang sana'y tagabiga'y husayTahan na
Nawalan siya ng boses
Napawi ang pang-unawa nitong bata
Ang panglasa nya sa tsokolate ay hindi na matamisTahan na
Tapus na ang pagsasagwan mo sa ilog ng kahapisan
Noong itinakda mong tanging lubid na lamang ang humawak sa'yong leeg, oh musmus na kaluluwa
Tahan na't halika na sa lugar kung saan may kapayapaanWritten: december 31, 2014
Mysterious Aries
YOU ARE READING
Kabiguan Ng Manunulat
PoetryMga tulang naisisilang tuwing pinagniniig ko ang lapis at papel...