Kabiguan ng Manunulat (Ikapitong Pahina)

432 68 9
                                    

Damang-dama mo pa rin ang bawat letra ng iyong kwento

Mga sulating inukulan mo ng isipa't puso

Dito mo isinalaysay kung paano magwagi

Dito mo rin inilahad kung paano masawi

Ilang ulit mo na itong binasa

Ang katotohanay nakasaulo na sa isipan mo ang kanyang ganda

Oo sa kanyang kariktan kaya maraming humanga

Dahil ang pagkahubog niya'y higit pa sa alindog ng prinsesa

Ito ngang mga titik na hinulma mo noong ikay galit

Mga litanyang nabuo sa malikot na isipan mo habang ikay sabik

Samut saring tunay na damdamin ang iyong inilaan

Inikot ng panulat mo ang kalawakan binagtas ang araw at ang buwan

Hindi nga nakapagtatakang marami ang sa sinulat mo'y humanga

Dahil ang pagkapinta ng mga ito'y isang napakahusay na obra

Binasa mo muli ito ng may poot at galit kang nadama

Dahil kaibigan mo ang sumikat, siyang umangkin na may akda...

Written: sept. 15, 2014

Mysterious Aries

Kabiguan Ng ManunulatDove le storie prendono vita. Scoprilo ora