Sanga-sangang Daan

95 4 1
                                    

Mata ko'y sa kakaibang aral namulat

Ngunit sa tantong aral din ay ito'y nabulag

At yaring matang bulag na'y wala nang ibang maaninag

Kundi ang mundong walang araw


Mangyaring ipagtanto mang malalim

Di mamata nitong isip 

Yaong kung tunay ngang mayroon kaharian

Na kung tawagin nila ay langit


Magkanon ma'y ang isang katulad ko'y may paniniwala

Na may dakilang nagmamasid rito sa lupa

Bagama't sa itaas nati'y puro mga tala

Baka sakaling isa roo'y tahanan ni Bathala


Sino ba sa'tin ang di lumangoy

Sa mapang-akit na ilog ng kasalanan

Kaya ano ang karapatan ng isang taong makapagpanggap

Na Diyos ay kanyang matalik na kaibigan


Na siya nga ay yakap, siya ay kupkop

Dahil tamang daa'y kanyang binubundok

At itinuring ang sarili na sa pinakatuktok

Pangala'y nakasulat pagbalik ng katawan sa alabok


Nakakalinis ba ng sala

Ang mga salitang ika nila'y mahiwaga

O tayo lamang ay nagtatago sa libro

Upang mapagtakpan ang mga idinulot nating mantsa


Binuklat ko ang itim na libro sa pagnanasang matuto

Kinain ang bunga ng ipinagbabawal na puno

Oo nga't tumaba ang isip, nag-akalang nakawala sa bilangguan

Ngunit ang kinahatna'y sanga-sangang daan



10/24/2016

Mysterious Aries



Kabiguan Ng ManunulatWhere stories live. Discover now