Ang dibdib koy pinamugaran na ng lumbay
Tila abot tanaw na ang aking pagtatakipsilim sa mundo ng pagsasalaysay
Marahil napapanahon na upang baliin ko ang aking lapis
Dahil nilalangaw lamang ang mga itinatakda sa papel ay napapanisWala na sadyang iba na ang umaantig sa ating kabataan
O kayay sadya lamang napagiwanan na ako ng panahon
Ang totooy kaya kung makipagsabayan sa modernong paglalahad
Ngunit ayaw kong prinsipiyoy makaladkadMadali lang maglapis ng makapagtaas balahibong pagnanasa
Ang punuin ang isipan ng kabataan ng kilig
Ang bawat hawak kamay, o pagdampian ng mga labi
Hanggang makahantong sa sukdulang mapaglakbay isipan nila sa iwahigMaging sa telebisyon iba na ang tema ng palabas
Pag-ibig ng mag-asaway hinaluan ng trayangulo
O kayay mga may gatas pa sa labi'y pilit pinagniniig
Nang dahil ba sa sining o dahil ito ang mabinta sa manonoodAyaw kong magmalinis, gabuhangin din sa dagat ang aking pagkakamali
Ngunit usal ko na sana'y dumating ang panahon ng pagbabago
Na ang mga edad katorse ay di maagang makalunok ng buto pakwan
Na wala ng pamilyang mawasak dahil sa impluwensya ng telebesyonMaraming salamat sa inyong nakatiis sa aking panulat
Marahil ito na ang oras ng pagsasara ng tabing sa librong ito
Maraming salamat sa bawat buklat ng pahina
Sa inyong magagandang komento, maging sa inyong tapat na botoSana'y nakapagbigay sa inyo ng Aral ang aklat na ito
Sana'y kinapulutan nyo ng baryang ginintuan ang kulay
Sana'y di lang kabiguan, di lang lumbay
Muli mula sa aking puso... Gabituing pasasalamat sa inyong lahat....Ang tulad ninyong may puso sa sining,
Mysterious aries
ESTÁS LEYENDO
Kabiguan Ng Manunulat
PoesíaMga tulang naisisilang tuwing pinagniniig ko ang lapis at papel...