Mga Hinaing Ni Makata

119 26 2
                                    

Ano pa nga ba? Akin na lang naitanong sa sarili

Sa isang lugar na tulad nito ay kailangan pang manatili

Kung ginugol ko na lamang aking panahon upang magpataba ng pitaka

Hindi ang maglaan pa nang oras sa mga tulad nito na ang kahuluga'y tila wala


Mapapasaan pa nga ba ang letrang hinugot ko pa sa kailaliman

Kung mata ng mga tagamasid ay tulog na sa salitang kamalayan

O kaya'y gising sila't alam ang pagkakaiba ng tama sa mali

Ngunit mas pinili ang pagkakasala dahil ito'y nagbibigay ng panandaliang ngiti


Ano pa nga ba ang katuturan ng bawat pagdampot ng lapis

Kung mga tengang nakakarinig nito'y binabalewala ang himig niya't tangis

Mga tao ngayo'y 'di alintana ang magiging bunga ng kanilang gawi

Na bawat nilalaro nilang punyal ngayo'y sa kinabukasa'y sasawi


Ako ay makata, di ko piniling maging ganito

Bagamat may panahong tila gusto ko nang huminto

Dahil karamihan sa tao'y may pandamdam na manhid

Ngunit itutuloy ko ang pagsigaw sa bawat tahanan pinto man nila'y nakapinid


Ako ay makata, aking ginagawa'y kahulugan nga ba'y wala

Hahayaan ko na lamang ang kinabukasan na siyang humusga



12/10/2015

Mysterious Aries














Kabiguan Ng ManunulatWhere stories live. Discover now