"No, it's fine. Ginawa ko naman yun para hindi ka masyadong masaktan," umiwas siya ng tingin at naglakad-lakad sa isang silid kung nasaan kami ngayon.

May mga pinto rin kaming nakikita at bawat pader ay may anim na pintuan, lahat ay iba-iba ang disenyo. Ang kisame naman ay walang bakas na bilog kung saan kami nahulog. Ang nasa ibabaw lang namin ay isang kumikinang na chandelier. The tiles are red and white, may lamesa din sa tabi namin na transparent.

Nahinto ang tingin ko sa mga pamilyar na estatwa. No, para siyang totoo. Ang pinagkaiba lang ay diretso ang tingin nila at hindi kumikilos. They looked like they're frozen or something.

"Holy shit, Hazel!" halos maiyak ako sa itsura nila. Kasama niya ang lima pang naging estatwa at lahat sila'y nakasuot pa ng uniporme namin.

Nilapitan ko si Hazel at pinisil ang pisngi niya kung sakaling bigla siyang kikilos. 

"Ano naman ang ginawa nila dito?" lumingon ako sa katabi kong nakatingin din sa anim na estatwa.

"Gago ka ba, Caleb? Mga kaklase natin 'to!"

"Alam ko. Kaya nga nagtatanong ako kung ba't pa sila nandito. Namomroblema nga tayo dito sa pagtakas na tayong dalawa lang, ano pa kaya kung madagdagan pa tayo?"

Natigilan ako sa sinabi niya. "Pagtakas sa lugar na 'to? What do you mean?"

Umiling siya at hinila ako palayo sa mga estatwa. "Tara na. Asan nga yung maliit na pinto na pinasukan ni Alice sa movie?"

Inilibot ko muna ang paningin ko at tinuro ang isang kurtina. "Behind that curtain."

Lumapit siya doon at hinawi ang kurtina. Bumalik siya sa tapat ko at may kinuha sa lamesa na katabi namin.

"This is not a poison, right? Kaya inumin natin 'to para lumiit tayo," binigay niya sa akin ang bote na may lamang pulang likido.

May papel ito na may nakasulat na Drink Me.

Binuksan ko ang cork nito at ininom. Umubo ako pagka-lunok at sa pagharap ko kay Caleb, sabay kaming lumiit habang umuubo sa tapang ng lasa. Everything around us became big until we're the size of the small bottle that we drank. Ang init sa lalamunan ng likido at parang sinusunog nito ang laman loob ko.

"Tara na," hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming tumakbo papunta sa pinakamaliit na pinto. 

Nang sinubukan niyang buksan iyon, napakamot nalang siya at napamura.

"What?" I asked.

"We forgot the key."

Inilibot ko ang paningin ko and pointed the table above. Transparent 'yon kaya kitang kita ang maliit na susi sa ibabaw nito. "Ayun!" 

How can we get that key when we're as small as the bottle?

"Tara." 

Sinundan ko si Caleb papunta sa paanan ng lamesa at may kinuha mula sa sahig na katabi ng lamesa. Binigay niya yon sa akin kaya tiningnan ko muna siya na para bang nagtatanong.

It's a small beige jewelry-like-box and when he opened it, there's a white square cake and a message saying Eat Me.

"Ikaw na kumain at kumuha ng susi. Hihintayin lang kita dito."

Hindi naman siguro 'to poison, 'no? I've seen the movie hundred times. Tsaka, paboritong leksyon ito ni miss Aberdeen kaya no worries, kakainin ko 'to at mabubuhay pa rin ako.

Kinagatan ko 'yun ng konti and tasted the sweetness of this dessert. Nagmemelt siya sa loob ng bibig ko at sa paglunok, parang natutunaw ang buong internal organs ko at nahihilo ako. Para siyang acid kung tutuusin. Mas worse pa sa likidong ininom namin kanina.

Mystique PuppeteerWhere stories live. Discover now