Chapter Twenty Four

Start from the beginning
                                    

*bzzt bzzt bzzt bzzt bzzt* 

Incoming call..........Tyrone :))))

Hello Tyrone, bakit?

Pwede ba tayong magkita? May klase ka ba?

Malamang wala, edi sana di kita kausap ngayon. Hahaha! Joke!

Hindi nga. Seryoso, magkita tayo sa court.

Bakit?

Basta.

Okay.

Binaba na niya yung phone. Bakit kaya ang seryoso naman nito? Grabe ha!

"Jen, punta muna akong court ah" Umalis na ako papuntang court, pagdating ko dun nakita ko si Tyrone nakaupo sa bench. Nung lumapit ako,

"Oh bakit?" sabi ko.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Okay."

"Ano ba talaga ako sa'yo?" Ano na naman to kacornyhan?! Hahaha

"Anong ano ka ba talaga sa akin?"

"May pag-asa ba talaga ako sa'yo o pinapaasa mo lang ako?" Pinapaasa?

"Ha?"

"Ano ba Aya, wala ka ba talagang alam o nagkukunwari ka lang ha?!"

"Ano ba yang pinagsasabi mo? Hindi kita maintindihan!"

"Nakita kita kanina, may nagbigay ng flowers sa'yo! Todo ngiti ka pa nga eh, ano yun nanliligaw din sa'yo?!" 

"Aaaaaaaaaaaaah. Hahahaha!"

"Anong nakakatawa?"

"E si Jed yun eh! Boyfriend ni Jen, pinabigay niya lang yung flowers kay Jen"

Tyrone's POV

"E si Jed yun eh! Boyfriend ni Jen, pinabigay niya lang yung flowers kay Jen"

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! Ang tanga tanga mo Tyrone! Feeling ko gusto ko ng mawala dito. Yun bang bigla na lang akong magdisappear! Nakakahiya!

"Aaaaaah."

"Bakit parang nahihiya ka jan? Nagkamali ka ng pagseselosan noh? Hahaha!" Makapang-asar naman!

"Hindi ah. Tinanong ko lang naman ah. Nagseselos kaagad?"

"E bakit namamawis yang ilong mo? Nagseselos ka ha? Akalain mo yun nagseselos din pala ang Tyrone Smith ng St. Benedict Academy! Hahaha!"

"Oo na nga! Nagseselos na ako! Ngayon lang ako nagselos at dahil yun sa'yo!"

"Wow drama! Hahaha!"

"Nagbablush ka naman! Hahaha!"

"Okay!" Nahiya ata siya sa sinabi ko. Wahaha!

"Uy joke lang"

"Alam ko! BLE! Hahahaha!"

"Ikaw talaga! Expert ka sa pagpapaguilty ng tao!"

"Hahaha! Ako pa! Sige alis na ako ha? May gagawin pa ako eh"

"Wag muna. Dito ka muna! Minsan lang tayo mag-usap eh" hinawakan ko yung kamay niya.

"Eeeeeeeeeeeh!"

"Sige na nga! Palagi naman eh" Hahaha. Kadramahan mo talaga Tyrone! 

"Ay! Ganun, natututo ka na rin mangkonsensya ha! Oh Sige na nga dito na muna ako. Pero hanggang 8:30 lang ha!"

"Yehey!"

Nag-usap kami ng kung ano-ano. Eto kasi si Aya madaldal eh Hindi nauubusan ng sasabihin. Bumalik na siya sa room nung 8:30 na. May klase pa daw kasi siya.

Jenelle's POV

Ano ba yan. Nandito na si sir! Pero okay lang yun, PEHM naman eh! Interesting ang PEHM hahahahah!

"Good Morning Sir!"

"Good Morning Class! Okay you may take your seat. Before we start, I want you to meet your new classmate." Tumingin siya sa pinto "Pasok ka na. Wag kang mahihiya, mababait naman tong mga to eh" Hahaha! Favorite kasi kami ni sir eh!  Pagpasok nung lalaki, nakashades at nakasumbrero! Abaaaa! SIya yung bumangga sa akin ah!

Ang gwapo niya!

Sana ako yung makatabi niya!

OH MY GOSH! Ang gwapo!

Hay nako tong mga babaeng to, hindi man lang nila naiisip na naririnig sila niyan!

"Okay, pwede ka ng magpakilala"

Tinanggal na niya yung shades at sumbrero niya, at parang familiar mukha niya! Di ko kasi masyadong makita eh. Wala akong sa salamin! Hintayin ko na nga lang sabihin yung name, katamad kunin yung salamin ko!

"Hi Classmates! I'm Jed Gonzales from St. Anthony Academy. I'm 14 years old" OH MY GOSH! Si Jed?! 

"Okay Jed, dun ka na lang umupo sa likod ni Jenelle"

Pagkaupo niya, "Anong ginagawa mo dito?"

"E ano pa edi mag-aaral"

"Alam ko. Bakit di mo sinabi sa akin?"

"Surprise nga diba. Di mo ba nabasa kanina?"

"Nabasa. So sayo galing yun?"

"Ay hindi hindi! Sa aso ko. Joke. Siyempre pinapili ako ni papa kung saan mag-aral sa manila edi sabi ko dito. Para magkasama na tayo."

"Alam mo bang pinag-alala mo ako?"

"Bakit naman?"

"Kasi akala ko makikipagbreak ka na!"

"Ano ka ba?! Hindi ko kaya noh!"

"Pwede ba mag-usap kayo mamaya na? Kung pwede lang naman!" narinig ko sabi ni Aya na nasa likod ni Jed.

Oo nga nakakahiya naman kung makikita pa kaming nag-uusap eh hindi naman nila alam yung tungkol sa amin! Haha! Pero ang saya ko talaga ngayon! Eto naman kasing lalaking to pasurprise surprise pa eh.

End of Chapter

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Mr. Suplado(finished)Where stories live. Discover now