29. Ang Bilin

342 23 10
                                    

Puyat ako nang sumipot sa pa-house warming ni Berna sa bago niyang kuwarto sa Antarest. Pero kahit puyat, sigurado ako sa inamin ko sa dalawa, kina Misty at Berna, na gusto ko talaga si Mira. Gusto ko siyang protekhan. Gusto ko na palagi ko siyang kasama. Gusto kong naririnig ang boses nito. Kaya hindi ko kakayanin kung mapapahamak siya sa bundok. Siguro, kaya ako binigyan ng ganitong pagkakataon ay para mai-ligtas si Mira sa mga maaaring mangyari rito. 'Yan ang naging mindset ko. Kaya napagdesisyunan ko nang 'wag na lang sumama sa akyat na in-organize ni Kerr.

Mga bandang hatinggabi na nang matapos kami sa inuman at kuwentuhan. Sinamahan muna ako ni Mira sa labas para bumili ng ice cream sa open 24-hours na convenient store malapit sa Antarest. Habang naglalakad kami ay bigla na lang nitong hinila ang kamay ko.

"Seryoso ka ba sa sinabi mo kanina?" tanong nito. Saksi ang buwan at ang mga bituin sa langit sa ngiting gumuhit sa mukha ko.

"Tumingin ka sa taas," tugon ko rito.

"Bakit?"

"Basta, tumingin ka," pilit ko pa rito.

Tumingala nga ito para makita ang kalangitan na puno ng mga bituin. "Ang ganda nila," sabi nito bago nito binalik ang tingin sa akin at noon niya lang siguro napagtanto na kanina pa akong nakatitig sa kanya. "O bakit sa 'kin ka nakatingin?"

"Ang ganda kasi."

Napangiti na naman ito. "Alam ko na 'yon. Jooooke!!! So bakit mo nga ako pinatingala?"

"Kasi may dumaang shooting star," sagot ko.

Muli itong sumilip sa taas. "Wala naman a," reklamo nga nito.

"Meron nga. Eto nga o. Tinupad na niya agad ang hiling ko. Nasa tabi ko na agad ito."

"Paasa 'to."

"Hindi nga, Mira. Love na love na kita. Sa tagalog, mahal na mahal. Kaya 'wag na 'wag mo akong iiwan kahit anong mangyari. Promise mo 'yan?"

"Weh? Seryoso ba 'yan? Hindi nga?"

"Bahala ka nga."

"Oy. Teka. Ang bilis kasi. Babawiin mo agad?"

"Kung kaya ko lang sana, bakit hindi? Kaso, baka ikamatay ko pa 'yon. 'Yong hindi ka makasama."

"Teka, hindi pa ma-absorb ng utak ko ang mga sinabi mo," tugon nito. Bakas sa mukha nito na naguguluhan sa nangyayari.

"Noong una siguro, kaya hindi ko maamin sa sarili ang nararamdaman, natatakot lang ako na baka ipinakilala ka lang sa akin ng universe para maging isang falling star na daraan sa buhay ko. Dadating ka, tapos 'pag natupad mo na ang wish ko at masaya na ako, iiwan mo na rin ako. Tulad ni mama, nung umalis siya dati. Ibinili niya ako ng sobrang daming laruan. Paborito ko 'yung mini solar system. 'Yung may kanya-kanyang orbits ang mga planeta para hindi sila maligaw. Gustong-gusto ko 'yon dahil sa nakita ko 'yon sa school lab pero ayaw sa aming ipahawak ng teacher namin. At dahil sobrang saya ko no'ng ibili ako ni mama ng tulad noon, wala sa hagilap ko na sa mga susunod na araw ay magiging miserable pala ang buhay ko. Hanggang sa makilala kita, ayon nag-iba na ang tingin ko sa mundo."

"Blaze," bulong nito at halatang hindi alam kung ano ba ang sasabihin. Ipinatong niya ang mga kamay sa batok niya.

"Kaya gusto kong pasayahin ka hanggat kaya ko. Para maibalik man lang sa 'yo ang kasiyahang dala mo sa buhay ko. Gusto kong ako ang kukumpleto sa buhay mo. Gusto kong punan lahat ng kulang d'yan sa loob ng puso mo." Seryoso na siya at parang maiiyak na. "O 'di ba? Kaya ko pa ring magmahal. At mas mabait na ako this time. Papayag pa akong i-share ang mama ko sa 'yo," nakabungisngis kong sabi rito. "You can call her mom whenever you want to. Tapos darating ang araw na araw-araw na tayong sabay na uuwi... sa iisang bahay."

Kung Pa'nong Ang Bulalakaw Ay Naging Ikaw [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon