28. Ang Buwan

321 22 27
                                    

Inilarawan ng librong binabasa ang isang falling star na mas kilala natin sa tawag na shooting star, meteor o bulalakaw sa salitang Tagalog. Tinukoy rito na ang isang falling star ay hindi naman daw talaga isang star. Isa itong meteoriod na nagliliyab kapag pumapasok sa atmospera ng mundo, at kapag sinuwerte itong maka-land sa lupa, matatawag na itong meteorite. At dahil do'n, magiging bahagi na rin sila ng mundo, ng isang planeta. Pero kung tutuusin, hindi sila ang lumalapit sa ating daigdig. Tayo naman talaga ang lumalapit sa kanila, ang ating mundo. Dahil umiikot ang mundo at dahil mahilig tumambay sa space ang mga meteoriods na ito, nadadaanan tuloy sila ng isang higanteng planeta. Siguro, mas gusto nilang mag-stay malapit sa orbit. O siguro, totoong hinihintay nila ang pagkakataong iyon, na maging bahagi ng ating daigdig.

"So bakit tinutupad ng isang bulalakaw ang wish ng mga tao?" I asked Mira bilang natapos na niya ang libro at isang pahina pa lang naman ang nababasa ko. Siguro, it's a way of thanking us for welcoming them. Kasi naman, tuwang-tuwa talaga ang mga tao 'pag nakakakita ng isang bulalakaw.

"Naniniwala ka ba ro'n?" Nakatitig siya sa akin na para bang isang nanay na nagbibilin sa anak nito.

"Si lola naniniwala, ako rin naman noon." Pareho pa rin kaming nakatayo sa loob ng maliit na kuwarto na punong-punong ng mga magagandang bagay at alaala.

"Well, para kina mama at papa, isa akong falling star. Naniniwala sila na hulog daw ako ng langit. Ang tagal na kasi nilang kasal noon bago ako dumating sa buhay nila. 10 years silang naghintay dahil hindi nga talaga sila magkaanak. Hanggang sa nang minsan silang magbakasyon sa probinsiya nina papa, may namataan silang isang kakaibang bulalakaw. Nasa biyahe pa lang daw sila noon. Kaya noon na rin dinasal nina mama at papa ang hiling nila," bida nito. "Ang sabi nila, noong gabi raw na 'yon ako nabuo," kagat-labi pang sabi nito.

"So isa ka nga pala talagang falling star?"

"Pede rin naman. Kung gusto mo rin 'yong paniwalaan."

"Why not?" nakangiting tugon ko rito. "So, bakit ganito ang title ng librong ito? Pede ko ba itong mahiram?" patuloy ko. At dahil sa kanya, gusto ko na nga rin itong mabasa.

"Ah kasi 'yung babae sa kuwento ay mula sa isang bulalakaw na bumagsak sa lupa. No, sa lawa pala. Turns out, that girl was from the future. To make his wish come true, that's her one great mission."

"Really?"

"Oo. To be honest this book inspired me in many ways I cannot imagine. In fact, this is the reason why I came up with the plot of story I'm writing right now... for my thesis."

Naalala ko nang kinuwento niya sa akin ang sinusulat na kuwento noong nasa Mt. Gulugod Baboy kami. So, ang sinusulat pala niyang story noon ay ang istoryang tinutukoy niya ngayon. "Goodluck sa story mo," sabi ko rito. "Sana matapos mo 'yan agad."

"Yep, I will. Gusto ko lang munang i-experience ang ilang scenes sa sinusulat kong kuwento. Perhaps, kailangan ko talagang umakyat sa bundok, gaya ng ginagawa ni Mara Moral."

"No," napabigla kong sabi. At nagtataka siyang tumitig sa akin at saka na lang ako nakapagpatuloy, "I mean, baka naman p'edeng hindi mo na sa bundok gawin 'yong mga scene na 'yon? I'm willing to help you. Basta 'wag tayo sa bundok."

Tumawa ito at nakakalokong tumingin sa akin. "Takot ka sa bundok?"

"Hindi 'no. I just thought it's not safe for you to do that. Graduating ka pa naman. If you know what I mean."

"Ah gets ko na. 'Di ba kasi graduating ka rin? At iniisip mo na malapit tayo sa kapahamakan. Now that you said that, I will think about it. No, actually, I'm positive... walang mangyayaring masama sa bundok like I've been there before."

Kung Pa'nong Ang Bulalakaw Ay Naging Ikaw [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon