27. Ang Bodega

304 19 13
                                    

Nang magkita kami ni Mira kahapon, August 20, noon ko tuluyang napagtantong gusto ko na nga ito. Iba 'yung pakiramdam no'ng muling magsalubong ang mga mata namin. Para bang nag-slow mo ang lahat ng eksena sa paligid namin. Kaya naman pala 'yung buong isang araw na hindi ko siya nakita noong Miyerkules ay para bang 'sing tagal ng isang buong linggo. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya sinubukang i-text noong araw na miss na miss ko na ito. Siguro, umaasa akong magkikita kami sa campus kahit hindi namin pinaplano. But that didn't happen. Sa apartment, para nga akong baliw na napapangiti 'pag naaalala ito. Kaya naman nang muli ko itong makasama kahapon, hindi planado at sobrang biglaan, labis-labis ang kabang naramdaman ko. Para bang nakatatlong baso na ako ng nainom na kape dahil sa kakaibang palpitation na nararamdaman. Nakakangalay na rin sa panga ang pag-ngiti dahil nung Miyerkules nga ay maghapon na nga itong inalala. Mas tumindi ang nararamdaman nang tuluyan itong makalapit sa akin. Tahimik na nga sa library pero ang kakarampot na ingay doon ay naglaho na rin. May dumaan bang anghel?

Mag-isa lang ako noon sa mesa ko habang nagpapanggap na nagre-review para sa isa na namang imaginary exam. This is how I relax. Tapos no'ng makalapit na siya sa akin, feeling ko ang baho-baho ko na dahil maghapon na ako sa campus. E no'ng nasa bundok naman kami, hindi ako ganitong ka-conscious sa sarili ko. Nagsisi pa nga ako dahil hindi 'yung isang paborito kong uniform ang isinuot ko. Mas fit kasi 'yun sa akin. 'Tapos, at that very moment, parang naisip ko na ring bumili ng contact lens dahil napapangitan na ako sa glasses ko. Feeling ko rin may tinga pa sa ngipin ko dahil sa kinain kong bistek sa canteen kanina. 'Tapos, nagsalita na siya habang nakatitig sa akin, "Blazy, are you okay?" Para akong baliw na hindi makasagot dito. "Namumutla ka. What's wrong?"

"A-h, e-e, may naalala lang ako. 'Yung napanood ko sa... sa TV kanina." Hindi na ako makatingin sa mga mata niya.

"Wala ka namang TV sa dorm n'yo a?" may kompinyansang sabi nito.

"I-I mean sa klase... kanina. Nagpa-film showing ang prof namin," palusot ko rito.

"Ah basta, ang weird mo ngayon. Kumain ka na ba?"

"H-hindi pa. Oo. E-ewan."

"Ang gulo mong kausap," reklamo pa nito. Doon kasi siya sa tabi ko umupo habang pa-simpleng sumisilip sa binabasa kong reviewer, ang reviewer ni Chase noong nakaraang exam namin.

Hanggang sa ma-realize ko ang sinabi niya kanina, nakatulala pa rin akong nakaharap sa reviewer ko. Bakit alam niyang walang TV sa apartment namin? E hindi pa naman siya nakakarating do'n. "Wait. Nakarating ka na ba sa apartment namin ni Matt? When?" paglilinaw ko rito.

"B-bakit naman ako makakarating do'n? Ang weird mo talaga today. I think something is bothering you. Tell me." Binuksan nito ang bag niya at kinuha ang isang textbook na about yata sa script writing kung ibabase sa title noon.

"Ah wala lang." Inisip ko ang pagkakasunod-sunod ng mga mangyayari sa mga susunod na linggo. Mawawala ko ang relo ko sa susunod na Biyernes, August 28. Magkikita kami ni Mira sa Mt. Gulugod Baboy sa hatinggabi ng August 29, Sabado. A week after that hike, September 5, noon pa lang siya dapat makakarating sa apartment namin dahil sasamahan niya kaming puntahan si Misty para sa photoshoot nito. "Mira, may hindi ka ba sinasabi sa akin?"

Binuksan muna nito ang hawak na textbook at saka muling humarap sa akin. "May gusto ka pa bang marinig?"

"Nakatikim ka na ba ng alamid coffee?"

"Ang random ng tanong mo. Pero hindi pa."

"Hindi mo ba talaga maalala? 'Yung sa Manabu? E 'yung sa Camp Sabik?"

"Wait, kasali ka sa Camp 143 last year? Last 2014?"

"Mira, just tell me that you're from the future. Gusto kong malaman."

"Ano bang sinasabi mo, Blazy? Mag-aral na nga lang tayo," nakangiting sabi nito. Ang ganda talaga niya. Kapag ngumingiti siya, napapangiti na rin ang mga mata niya. Tapos ang bango-bango pa niya at ewan ko ba, nawawala na naman ako sa sarili ko. Tapos bigla na lang niyang kinuha ang reviewer ko at nilagay sa bag niya. Tinanong ko siya kung bakit niya 'yon ginawa pero agad na siyang tumayo, hinawakan niya ang kamay ko para pala hilahin ako palabas ng library.

May ipapakita raw siya sa akin ang sabi nito nang tanungin ko kung saan niya ako dadalhin. Madilim na rin sa labas lalo na siguro kung walang ilaw sa mga poste. Hindi pa rin niya ako binibitiwan hanggang sa marating namin ang likod ng lumang stadium sa campus. "'Pag kailangan kong mapag-isa, dito lang ako pumupunta," bida pa niya. At nang binuksan niya ang ilaw sa abandonadong kuwarto na 'yon ay talaga namang matindi ang naging pagkagulat ko. Hindi ko lubos akalain na ang isang bodega na 'yon ay magiging ganoong kaganda. Unexpected beauty, indeed. Akala ko, kaya niya lang ako gustong isama sa lugar na 'yon ay dahil sa tahimik do'n. Punong-puno ng artworks ang lugar. Mula sa mga lumang paintings, retrato at ilang mga lumang kasangkapan na nakaayos at nakasabit sa maliit na kuwartong iyon, iisipin mong nasa isa kang maliit na museum. Tapos ang tema pa halos ng lahat ng mga artwork at kasangkapang nasa loob noon ay patungkol sa universe. Nand'yan ang mga painting ng buwan, ng araw, at ng iba pang mga bituin. And'yan din ang kuha sa Milky Way at iba pang night portraits. Meron ding mga nakasabit sa taas na mga artwork na hugis stars na marahil ay ginamit ng ilang theatre plays noon. "Dito nila tinatambak ang mga 'yan. Akala nila, wala nang kuwenta, pero 'pag pinagsama-sama mo, ang ganda rin no?" sabi pa niya.

"Ikaw lahat ang nag-ayos nito?" puno nang paghangang tanong ko rito.

"I guess," sagot nito.

Ipinaliwanag niya sa akin ang istorya sa likod ng lahat ng mga artworks na naka-display sa kuwarto. Ang iba raw doon ay galing sa mga photo at painting exhibits sa campus na pinabayaan na ng mga organizer. Hanggang sa dinala niya ako sa tabi ng isang lumang aparador, manghang-mangha pa rin ako dahil sa kinaroroonan. May nakalagay doong mga lumang libro. Tinanong ko siya kung anong ipapakita niya sa akin.

"I went here yesterday. Siguro, ilang oras din ang ginugol ko mahanap lang ang gusto kong ipakita sa 'yo."

Tinanong ko siya kung ano ba ang ipapakita niya sa akin.

Ngumiti muna ito bago kinuha ang lumang libro na para bang 5 inches ang kapal. Nangungupas na rin ang mga nakasulat sa makapal na cover nito. At parang kabisado na niya ang pahinang pupuntahan nang buksan ito.

"Paulit-ulit ka na lang sa pagtatanong sa akin kung galing nga ba ako sa future. Pero dahil medyo nabasa ko na ang librong ito, may konti na rin akong ideya tungkol sa sinasabi mo," sabi nga nito nang muling isara ang libro.

"Totoo ba?"

"Basahin mo ang name ng author ng book. Baka kilala mo," aniya.

"Bien Benson," I read it out loud. "Kapangalan niya ang lolo ko," dagdag ko pa.

"Or baka naman siya talaga ang lolo mo?"

Posible 'yon, sabi ko sa sarili ko. Kahit hindi mahilig si papa sa pagsusulat, alam ko naman na ang dalawa kong tiyahin, kapatid ni papa, ay parehong napunta sa larangang malapit sa pagsusulat. Ang isa kanila ay nagtatrabaho na sa isang TV network kung saan siya nagsimulang magsulat kaya sa Manila na rin ito nakabase. At ang mas nakababata dito ay EIC na ng isang magazine sa US at nagtuturo rin doon ng literature courses. Kaya posibleng ang lolo Bien ko ay isa ring manunulat noong mga panahong buhay pa ito. Wala akong naging reply sa tanong ni Mira dahil naging abala ako sa pagkikilatis sa lumang librong nasa harapan namin. The title of the book got me. "Ikaw At Ang Bulalakaw," I read it out loud.

Kung Pa'nong Ang Bulalakaw Ay Naging Ikaw [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon