11. Ang Bookstore

427 38 7
                                    


Tulad ng sinabi ni Berna at ng iniisip ko, posibleng isinasakatuparan na ni Mira ang hamon ko rito. Nang makarating ako sa bahay nina Carol ay hindi ko na naabutan ang iba pa nilang mga kaklase at kaibigan. Marahil nga ay kinansela na nila ang sana ay shooting nila sa bahay nga nitong si Carol. S'yempre, bukod kay Carol ay nando'n pa rin si Berna na talaga namang nanlilisik na ang mga mata dahil sa siguro ay inis sa kaibigan niyang hindi sumipot. "Blaze!!! 'Buti naman at nandito ka na. Tara na, hanapin na natin ang baliw kong kaibigan," bungad nito sa akin.

Pero bago pa ako makasagot dito ay bigla namang sumingit itong si Carol sa pagitan naming dalawa. "Sasama rin ako sa paghahanap kay Mira," presenta nito. Tulad ni Berna ay maganda rin itong si Carol. Maigsi ang buhok nito, may bangs at kulay golden brown.

"Well, we're not even sure kung nasa bookstore pa ba siya ngayon," I said.

"I'm positive. 8pm pa lang. 10pm nagsasara ang KB," nakangiting tugon ni Berna bago siya muling umismid kay Carol.

"Or nakaalis na siya ro'n? Baka ginagawa na niya ang mismong dare niya sa mga oras na ito?" dagdag ko pa. Kasi ang totoo, nag-aalala rin naman ako kay Mira bilang ako ang nagbato ng dare dito.

"Teka nga, ano nga ba ang mismong dare mo kay Mira, pretty boy," sabad ulit ni Carol habang sinusuklay nito ang bangs niya.

Ngayon ko na lang naalala ang ilang pangyayari noong nakaraang araw ng Lunes nang muli naming ibalik sa usapan ang mga dare na 'yan. Ito ay noong nakabalik na kami ni Mira sa rooftop pagkatapos naming maglunoy sa dilim ng gabi kasama ang mga gamu-gamong nagliliparan sa kalsada pati na rin ang mga drama ni Mira, bago kami tuluyang makabili ng pulutan. Ang dare ni Mira sa akin ay ang magdala ng isang lumang libro sa isang bookstore. Kahit daw naman pre-owned bookshops ay okay lang. Pero dapat may bumili ng librong iyon dahil kung wala sa loob ng isang linggo, may follow-up dare siyang ipapaggawa sa 'kin. Pero hindi niya alam na dahil sa dare niyang iyon kaya ko naisip ang dare ko sa kanya.

"If I win, kailangan mong pumunta sa paborito mong bookstore. Kailangan mong humanap ng isang random book na hindi mo pa nababasa. Pumunit ka ng isang random page doon. Hep-hep, hindi pa tapos! Make sure. Hindi mo agad babasahin ang nakasulat sa page na 'yon. Para may twist at mas exciting ang dare! Kasi ang kailangan mong gawin or sundin ay ang secret message na mayro'n sa first line ng pahinang nakuha mo. At 'yun ang dare na gagawin mo—'yung action na ginawa ng karakter sa line na 'yon or kung ano mang thought na sinasabi sa page na 'yon. Kung masyadong vague or obscure ang first line, saka mo pa lang iko-consider na basahin ang buong first paragraph at p'wedeng do'n na magmula ang dare na gagawin mo," hindi magkandatutong sabi ko rito.

"I like it, Blazy. Ang creative mo sa part na 'yon," sambit nito. "But I'm sorry, I'll win. Medyo, sayang 'yang effort mo sa pag-iisip ng dare na 'yan. Kaya kung ako ikaw, sisimulan ko nang mag-isip kung alin sa mga libro mo ang mabibili sa bookstore," patuloy nito sa palalong boses.

"Well, let's see. Teka, may ihahabol lang ako."

"Ay madaya. Tama na. Okay na 'yon. Mapapagod ka nga lang kasi," sabi pa nito.

"Post script lang 'to. P'wede na ba akong magsalita?"

Tinapunan niya lang ako ng isang masamang tingin. Kaya naman umismid lang din ako sa kanya. Para tuloy kaming mga batang nagkatampuhan.

"Go na Blaze," excited na sabi ni Berna.

"'Yon nga. 'Pag nakuha mo na ang kailangan mong page, make sure na itatago mo ang librong kinuhanan mo ng page na 'yon... sa ilalim ng unang bookshelf pagpasok sa main entrance ng bookstore. In that way, matse-tsek ko ang librong 'yon. Para malaman ko rin kung do'n nga nanggaling ang page na kinuha mo."

Kung Pa'nong Ang Bulalakaw Ay Naging Ikaw [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon