5. Ang Bagong Kuwento

835 51 28
                                    

Pinili ko na lang manahimik sa pagkakatayo ko at hinayaang amuin siya nina Matt at Chase. To be honest, I didn't have the best relationship with crying ladies. Siguro dahil hindi ko lang alam ang sasabihin ko sa kanila, o kung paano ko sila iko-comfort. Sa kaso pa ni Mira, kasalanan ko kung bakit siya umiiyak. Hindi ko na dapat pa kinuha sa bag nito ang notebook na 'yon. Ang thesis niya. Akala ko pa naman, 'pag iniba ko ang pakikitungo ko rito na tulad ng trato ko sa barkada, 'yung makulit na Blaze, mas magiging okay ang lahat. Ayon, inabot tuloy ng tatlumpong minuto ang dapat sana'y limang minuto lamang namin na break. Ngayon, kasalanan ko rin kung bakit naantala ang pagbaba namin.

Mabuti na lang at may dalang mobile broadband itong si Matt na pumatay sa oras ng aming dakilang selfie king na si Kerr. S'yempre pa, nai-post na nito sa social media ang ilan sa mga retrato niya. At paniguradong naka-tag na naman kami sa mga post nito kahit wala naman ang mga mukha namin sa mga selfie niya. "Mira, tama na," mando ni Kerr nang humukot ito sa nakaupong si Mira. "Tama na ang pag-iyak," dagdag pa nito.

"Madaling sabihin 'yan dahil hindi ikaw ang nawalan. Dahil hindi ikaw ang napuyat, napagod at nagutom masulat lang ang kuwentong 'yon," sagot ni Mira na may inis sa tono. Nakasubsob ito sa kanyang hita para siguro itago ang kanyang pagtangis.

"Sorry naman. Wala ka bang copy no'n? Soft copy sa laptop mo?" sabi pa ni Kerr.

"Wala akong laptop sorry ha," aniya. Akala ko no'ng una ay nagbibiro lang ito hanggang sa tumingin ito sa mga mata ko. "Wala talaga. 'Di sana 'yun na lang dinala ko sa pag-akyat kung meron. Unlike you guys, hindi ako ipinanganak na mayaman. Kung hindi pa nga ako magiging iskolar, hindi ako makakapag-college," patuloy niya.

Natigilan si Kerr dahil sa naturan ni Mira hanggang sa ibaling din nito ang tingin sa akin. "Sorry na. Pero hindi naman ang laptop ang magsasabi ng estado mo sa buhay. In fact, mura na lang ito ngayon, maybe due to the advent of smart phones which work as good as laptops," katwiran pa ni Kerr.

"See? Mura lang ito para sa inyo. But yeah, kung meron ako no'n hindi ako magtitiis sa isang mumurahing notebook. Which you took away from me. 'Yun na nga lang ang meron ako," madamdaming sabi nito.

"Sorry talaga, Mira. Ikaw kasi Blaze," parinig sa akin ni Kerr.

"Ipahiram ko na lang sa 'yo ang laptop ko," presenta ko. Baka sakaling maibsan man lang ang galit nito na hindi naman niya ipinaparamdan sa akin.

"Hindi ko kailangan ng laptop. Ang kailangan ko ay ang notebook ko. Ang istorya ko. Pero ang problema hindi ko na kaya pang isulat ulit iyon. Gusto ko na ang nasulat ko, at parang ang hirap na masulat ko ulit ito ng tulad ng dati. Lalo pa't sa iba't-ibang lugar ko ito sinulat. Na depende rin sa mga nararamdaman ko nang araw na sinulat ko ito. Ah basta. Alam kong hindi n'yo maiintindihan."

"Bakit kaya hindi ka na lang ulit magsulat ng ibang kuwento?" suhestiyon ni Chase.

"Again, madaling sabihin 'yan. Sana kasi hindi n'yo na lang pinakialaman ang nananahimik kong notebook."

"Hala, Blaze. Kasalanan mo talaga," sabi pa ni Chase.

"I know, and I'm sorry. Ano bang p'wede kong gawin para makabawi ako sa 'yo? Kahit ano. Kahit pa tulungan kitang magsulat ng bagong istorya mo, if that's what you need," alok ko.

Natahimik siya at parang ninamnam ang mga sinabi ko. "Okay, sige may naisip ako." Bahagya itong napangiti.

Kinabahan ako pero mas nangibabaw ang tuwa sa loob ko dahil sa wakas ay nagbalik na ang Mira na mas kilala namin. "Ano naman 'yon?"

"Mamaya ko na lang sasabihin. Tara na muna magpatuloy sa pagbaba. At bukod do'n sa iniisip ko, ililibre mo pa ako ng lunch mamaya sa bayan ha, Blazy," sabi nito nang tumayo na siya mula sa kanyang pagkakaupo.

Kung Pa'nong Ang Bulalakaw Ay Naging Ikaw [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon