19. Ang Bida

349 26 44
                                    

Nang mapagtanto kong maaaring mawala si Mira sa buhay ko, na maaaring hindi na kami magkita pang muli, sinabi ko sa sarili ko na dapat ay mapigilan ko itong umakyat sa bundok sa darating na ika-29 ng buwang ito. Siguro ang dahilan kaya ako ibinalik sa panahong ito ay para nga maiadya ko ito mula sa trahedyang iyon. At siguro konektado rin ito sa wirdong panaginip ko noon, na baka nga si Mira ang babae sa panaginip na 'yon. Pero ngayon, bakit para bang ayaw niya akong makita? Para bang iniiwasan niya ako.

"Yes. Sorry, nabasa ka ba?" bimbin kong tugon sa tila ba ay concerned na babae na kanina lang ay abalang-abala sa laptop nito. Gamit ang tissue na iniabot nito, pinunasan ko ang kalat sa mesa habang ang plastic cup ng frappe kasama ang laman nito ay nanatiling nakabubo sa sahig.

Pupulutin ko na sana ang cup sa sahig nang biglang lumapit ang isang barista na may dalang basahan at mop. "Okay lang kayo, sir?"

Wala na ako sa mood sumagot dito. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako kay Mira.

"Sir?"

"Okay nga lang ako. Hindi porket hindi ako sinipot ng Mira na 'yon, I'll feel bad," pasigaw na sagot ko rito at kahit ako ay nagulat din sa naging tono ko. "Aalis na rin naman ako. Pasensiya na sa kalat," patuloy ko at aminadong napahiya.

Agad na rin akong lumabas ng café. Pero ikinagulat ko nang lumabas din ng café ang babaeng nag-abot ng tissue sa akin kanina. "You must be, Blaze?" untag nito.

"Have we met somewhere before? Salamat pala sa tissue kanina."

"I'm Georgia. Friend ako ni Mira, nakangiting sabi nito. "So, I heard you're waiting for her?"

"No. May iba akong hinihintay," tanggi ko rito habang patuloy na naglalakad palayo mula sa Kismet Café.

"You're not a good liar, Blaze. Come with me. Magkikita kami ni Mira ngayon," anyaya nito nang bigla niyang hinarangan ang daraanan ko. Malaki ang ngiti nito at para itong batang nakikipaglaro sa akin ng patintero.

"Nasaan ba siya ngayon?"

"Well, actually. May biglaan kaming meeting today. Berna and Mira will help me with my film thesis. Sa October na ang submission date so kailangan na naming mag-start ng shoot." Naaalala ko na siya. Siya 'yung dapat ay tatagpuin namin sa bahay nina Carol noong hinahanap namin ni Berna si Mira, the night when Perrie and I finally met again. "Kaya ayun nagpatawag ako ng biglaang meeting ngayon. And I needed to polish the script kaya nag-stay muna ako sa café kanina. So, siguro kaya hindi ka na napuntahan ni Mira today ay dahil sa akin. Sorry na. Hindi ko naman alam na may iba pala siyang plans today. Hmmm. And now that I've met you, naiintindihan ko na si Mira. You're quite a catch," sabi pa nito na para bang kinikilatis ang bawat gatla at pores ng mukha ko. "Mysterious and good-looking. I think, perfect ka sa role ng bidang lalaki sa gagawin naming film." Now, I can see the sparks in her eyes.

"I don't do that. Sorry." Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at iniwasan ang imaginary walls na binuo nito.

"Please," naka-pout ang ngusong sabi nito. "Ayaw mo no'n? Mas makakasama mo si Mira. Siya 'yung bidang babae sa film na 'to." And that sparked my interest. Napaisip ako. Kung si Mira nga ang gaganap sa lead role, ibig sabihin 'pag pumayag ako sa gustong mangyari nitong si Georgia, mas madalas kong makakasama si Mira. Mas madali para sa akin ang protektahan ito.

"Baka hindi kayanin sa isked ko. 4:30 pa ang tapos ng klase ko."

"Is that a yes? Hindi na problema 'yon," sagot nito. "Mostly indoor at night shots ang need ko sa scenes. 'Yung iba namang exterior at day shots ay p'wede nating gawin on weekends kung kailan kayo free. Kokonti lang naman 'yon," paliwanag pa nito. At para bang muling nagbalik ang liwanag sa mga mata nito.

Kung Pa'nong Ang Bulalakaw Ay Naging Ikaw [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon