12. Ang Bugtong

570 35 12
                                    

Sinakop ng katahamikan ang buong bookstore. At habang nasa harapan ko pa ang pahinang iyon ay muli kong binasa ang unang linyang nakasaad dito:

"Do what makes you happy. That's the first step. Choose yourself. Now if you can't think of anything, how about making someone else's life happy in your own little way? Well somehow, in that journey, happiness should find its way to you," he told Shara.

Kung nabasa n'yo na ang librong Evaporatus, nasa part ito kung saan natagpuan ni Sky si Shara sa isang lumang playground. At ngayon, kung ako siguro ang kukuha ng mensahe mula sa linyang ito, mapapaisip rin ako. Ano nga ba ang isang bagay na magpapasaya sa akin? Think like Mira, paalala ko sa sarili. Pero sino pa nga ba ang mas nakakakilala kay Mira kundi ang mga kaibigan niya, o ang pinakamadalas niyang makasama—si Berna.

"Oh, bakit kayo sa 'kin nakatingin? Wala akong kinalaman d'yan ha," mariing depensa nitong si Berna habang isinasara ang librong hawak.

"I know Mira like the back of my hand—that line sounds familiar," asar ko rito sa pagitan ng aking hagikhik. "'Di ba, Carol?"

"Yeah," sang-ayon ni Carol kasabay ng high-five niya sa akin. "Please... Berna. Para naman ito kay Mira."

"Ayoko, wala akong maisip," tanggi nito habang inaabot ang libro sa akin.

"Berna. Ikaw naman ang nakaisip na mag-dare tayo," asar ko rito nang tuluyan ko nang makuha ang libro.

"Blaze, don't forget, hindi ako ang nagbigay ng ganitong kakomplikadong dare kay Mira," depensa ni Berna. "P'wede namang mas simple lang ang dare na inisip mo."

So 'yung dare niya kay Mira na umakyat ng bundok noon ay isang simpleng dare lamang. 'Yun ba ang kahulugan niya ng simple? Hindi naman iyon nalalayo sa dare ko ngayon kay Mira. "Okay, sige. Tulungan n'yo na lang ako. Give me a list of things that she likes." Agad kong hinugot ang phone ko mula sa masikip kong bulsa.

"Blaze Benson," agad na sigaw ni Carol. Pero bigla naman itong napasapo sa bibig niya nang tapunan ni Berna ng isang masamang tingin.

"Dares! She can't resist dares," sunod ni Berna.

"Writing," I suggested habang inililista ko ito sa note sa phone ko.

"Love, love and love," pilyang sabi ni Carol.

"Coffee," pahabol ni Berna.

"Stars," dagdag ko pa para dalawang pares ng mga mata ang bumaling sa akin. At para isipin kong hindi sila sang-ayon sa sinusulat ko. "Ah sige, buburahin ko na lang ito."

"No, Blaze. I just figured out where she could be right now," kompiyansang sabi ni Berna.

Tama nga ako. Siya nga ang mas nakakakilala rito. Kaya naman hindi ako mapakali hangga't hindi niya sinasabi ang nasa isip niya. "Ang paboritong star kasi ni Mira ay ang Asterope."

"So anong connect no'n?" tanong din ni Carol.

"Memorable kay Mira ang Hot Asterope," pauna niya. "Ang sabi sa akin ni Mira noon, doon sa café na 'yon siya unang beses na-in love sa pagsusulat. Doon niya raw unang beses nakita 'yung lalaking nagbigay sa kanya ng inspirasyong magsulat," nag-aalangang sabi nito. "As you know, nag-part-time siya sa café na 'yon before at marami siyang nakilalang mga tao."

"So. Tara sa Hot Asterope? Sa'n ba 'yon?"

"May problema, Blaze. It's already closed."

"Hindi, malay natin open pa sila. Minsan nag-eextend ang mga coffee shops 'pag may customers pa," sabi ko. "'Tsaka maaga pa naman."

Kung Pa'nong Ang Bulalakaw Ay Naging Ikaw [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon