4. Ang Babalikan

820 50 7
                                    

Tuliro kong inilayo ang mukha ko sa kanya nang sadyang pumiksi ang aking katawan mula sa pagkakaupo ko. At para bang hindi ko na naman matagpuan ang aking boses na nilamon ng aking pagkagulat at pagtataka dahil sa ginawa niya. Hinalikan lang naman niya ako. At kailangang paulit-ulit ko munang ipaalaala ang ideyang iyon sa utak ko bago pa ito tuluyang tumanim doon. "Ano ba? Bakit mo 'yon ginawa?" bulyaw ko rito nang tuluyan ko itong itulak palayo sa akin. Ayokong aminin na gusto ko ang sensasyong binigay noon sa akin. Ang lambot ng labi niya. Ang bango ng hininga niya. Ang lasa ng sausage at tuna sandwich ko. At ang kakaibang kiliting dala nito sa buong katawan ko.

"Whoahhh, what was that?" bulalas ni Dieg na napapangisi habang ang tatlo ay nakapako pa rin ang tingin sa akin. Ramdam ko rin ang pamumula ng mukha ko na hindi madalas mangyari.

"Bakit ba kasi galit na galit ka sa 'kin?" depensa ni Mira na parang kasalanan ko pa ang nangyari. Obviously, hindi niya sinagot ang tanong ko. At pagkatapos no'n, may lakas pa siya ng loob na makipagtitigan sa akin. Bakit ako ang kailangang umiwas ng tingin?

"Cheer up, bro. And Mira, I wasn't expecting na ang aming si Blaze pala talaga ang tipo mo," ani Kerr na may pagtataka rin sa reaksyon ng mukha.

"I didn't order her to do that," protesta ko.

"Look, I'm sorry. I was just trying to pacify you," depensa ni Mira.

"That was a very nice way to pacify someone," sikmat ko sa kanya. So there, I walked out.

***

Nakalas na namin ang aming mga tent nang muli kaming magkausap ni Matt. Napansin ko ring mas madalas niyang kausapin si Mira. Mukha kasing interesadong-interesado ito sa sinusulat ng babaeng 'yon. Kaya naman inasahan ko na ring tatanungin niya ako tungkol dito. Sinimulan niya iyon sa tanong na kung ano raw ang tingin ko kay Mira. "Wala akong tiwala sa babaeng 'yon," matamlay na sagot ko rito. Mukha namang dismayado ito sa sagot ko at pinili na lang na tulungan ako sa paglilinis ng campsite. Nang matapos kaming mag-impake ay saka naman dumating ang isang grupo ng mga mountaineer na siyang naging hudyat para mapagtanto naming kailangan na nga naming bumaba. "Magandang umaga po," bati pa nila sa amin. Malaki ang grupo nila. Siguro abot bente ang bilang ng mga ito.

"Magandang umaga rin," tugon ni Kerr.

Ngumiti rin ako sa kanila. At saka sila nagdire-diretso sa campsite.

"Ingat po kayo sa pagbaba," sagot naman ng isa sa kanila.

Sinukbit ko na ang aking bag na mas magaan na ngayon kaysa no'ng umakyat kami. At saka ko muling nilubos ang mga nalalabing sandali ko sa tuktok ng bundok na 'yon. Muli kong pinagmasdan ang senaryong sa Google Map ko na lang siguro ulit mamamasdan. Ang lungsod, ang mga kabahayaan at ang ilang mga gusaling mapapansin mo mula sa taas ng bundok. Kasama na rin ang pantalan, ang dagat at ang iba pang mga bundok na matatanaw mo mula sa tuktok. Hahanap-hanapin ko na naman itong pakiramdam na ito pag-uwi ko.

"Pa'no, guys? Bababa na tayo?" masiglang sabi ni Kerrin.

"Let's go," tugon ni Matt. Katabi na niya ulit si Mira. Pinauna ko silang maglakad. Sinabayan naman ako ni Chase. At habang naglalakad kami ay hindi ko mapigilang mapatingin sa babaeng iyon. Balingkinitan ito. This time, nakapusod na ang mahaba niyang buhok na sumusunod sa galaw nito habang naglalakad. Napatitig rin ako sa maliit niyang drawstring bag. Ano kayang laman no'n? Napatanong ako sa sarili.

"I think she likes you," giit ni Chase. Nasa likuran ko na ito dahil sadyang makipot ang trail. Malayo-layo na sina Mira sa amin at hindi na nila maririnig ang aming usapan.

"Agad-agad bro?" ani ko.

"She just kissed you," tudyo pa nito.

"Baliw siya. And that's not a kiss. Pinigilan lang niya ako sa sasabihin ko."

Kung Pa'nong Ang Bulalakaw Ay Naging Ikaw [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon