17. Ang Bagong Gising

452 31 34
                                    

Malamig na ang hanging dumadampi sa aking braso. Hindi ko na rin maalala kung saan na nga ba napadpad ang hawak na notebook kanina. Tiningnan kong mabuti ang mukha ni John. Mahirap na at baka mamaya n'yan, ibang John pala ang kausap ko. Nang masiguradong ito nga ang kakilala ay saka ko ito tuluyang kinausap. "Si Mira. 'Yung kasama natin kanina," bimbin kong sagot dito.

"Parang wala naman akong maalala," nagtatakang tugon ni John habang napapakamot sa ulo. "Pero kung sino man 'yang babaeng hinahanap mo, sigurado akong nasa campsite na siya. Nag-head count na kami kanina. Ikaw na lang ang kulang... kaya tara na. Kailangan na nating bumalik do'n para makapagsimula na tayo."

"Kasama ko nga siya rito," giit ko pa.

"Ikaw na nga lang ang kulang do'n. 'Andon na siya," animo'y siguradong-siguradong sabi nito. Ramdam ko ang tensyon sa boses niya na tila ba'y agad naglaho nang magawi ang tingin nito sa malapit na impact crater. Tila umiilaw ang maliit na crater na dahil sa dami ng nagliliwanag na alitaptap na naroon ngayon.

"Imposible," bulong ko sa sarili. Imposibleng nakarating agad sa campsite si Mira.

"Teka, bakit ka nga ba nandito? Alam mo ba kung saan galing ang crater na 'yan? Ang sabi-sabi, may engkanto daw dito. Hindi kaya..?" Hindi na rin niya itinuloy ang balak sabihin.

At habang pinagmasmasdan ang mas dumaraming bilang ng mga aliptap na nakapalibot sa crater, napatanong din ako sa sarili, "Sa'n nga ba galing 'tong crater na 'to?"

"Isa itong impact crater na mula sa isang maliit na meteorite na tumama rito more than a month ago. August 29 yata 'yon. But for some reasons, hindi na makita ang meteorite na bumagsak. Ang sabi ng iba, natunaw daw ito while landing. Pero ang haka-haka ng marami, may kumuha na raw doon para pagkakitaan. Ngunit hindi iyon ang sad part ng balita. Kung napanood mo sa news, may babaeng nadamay sa pagbagsak ng nasabing meteorite. Mag-isa lang daw ang babaeng umaakyat patungo sa tuktok. On that same night, may lima pang mountaineer sa tuktok ng bundok na masuwerteng hindi nadamay sa pagdaan at pagsabog ng nawawalang meteorite. Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na ang kawawang babaeng 'yon ay nadamay pa... sa kung tutuusin ay hindi naman dapat tragic na pagbagsak ng isang maliit na meteorite. Siguro, hanggang doon na lang talaga ang buhay niya. Iyon na talaga ang destiny niya. At dahil nga sa naging biktima nito, tinawag nila itong AGS Crater at AGS Meteorite naman ang itinawag nila para sa nawawalang meteorite. Mula raw iyon sa initials ng babaeng biktima."

May kilala akong may gano'ng initials.

Si Mira.

Teka.

Imposible.

Naramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko. Nanginginig ang buong katawan ko.

"O teka, Blaze anong problema?" Napansin kong nakatitig si John sa akin at para bang hindi mapakali sa pagkakatayo nito

"John, we need to find Mira."

"Kanina mo pang hinahanap ang Mira na 'yan. Napaisip din ako, dahil pamilyar nga ang pangalan na 'yan... I just can't remember kung saan ko 'yan nabasa o narinig," aniya.

"Oo. Kasi kasama ko siyang mag-register kanina. At nasa listahan ng Camp 1 ang name niya," sabi ko rito nang lapitan ito sa pagkakatayo nito.

Ipinaliwanag sa akin ni John na kabisado niya ang mga pangalang nakasulat sa papel ng Camp 1 at wala daw itong matandaang Mira na sinulat niya. Ang sabi pa niya kami lang daw ni Matt ang sinalubong niya sa beach kanina. Sa huli, tinanong niya ako kung ano ang buong pangalan ni Mira.

Ang sagot ko, "Almira Grace Sorel."

Hindi ko na pinansin ang reaksyong rumehistro sa mukha nito at ipinagpatuloy ko na lang ang pagtawag kay Mira hanggang sa matakid ako sa isang malaking ugat at mahulog sa hindi inaasahang bangin na kanina pa palang naghihintay sa aking maling hakbang.

Kung Pa'nong Ang Bulalakaw Ay Naging Ikaw [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon