23. Ang Bungisngis (2)

275 28 13
                                    

Chapter 23 (Continuation).

"Hi Ben," bulalas nito, sukbit ang isang maliit na body bag, at totoong hindi siya sa akin nakatingin.

Nilingon ko ang lalaking nakaupo malapit sa akin na nakabungisngis dito. And before I realize na siya 'yung lalaking natatawa sa akin kanina habang ka-text si Mira, nakapag-reply na siya rito, "Mira, it took you a while." Kung iju-judge ko si Ben sa physical appearance nito, siya marahil ang tipo ng lalaki na magugustuhan ng girls. He's tall. Preppy manamit and basing on his body type, masasabi ko ring sporty ito o nag-gi-gymn. Unlike me, payatot na nga, nakasalamin pa.

Naghintay pa rin akong pansinin ako ni Mira. Pero hindi iyon nangyari. "Sorry, Ben. Like super traffic sa labas. May accident daw somewhere down the road," she replied. Mahinay ang pagkakabigkas niya sa bawat salita na may kaunting arte. Hindi ito ang natural na accent niya. Nakakainis.

"That's okay. "Shall I order you coffee or anything to eat? Which one do you like?" Tumayo ito para hilahin ang upuan ni Mira. As if he's a real gentleman. Bwisit.

"'Yung 'Frappily Every After' na lang," sagot nito habang umuupo. Pabebe pa.

Kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong maubo nang marinig ang order nito. At sa peripheral view ko ay napansin kong napatingin ito sa akin na mabilis rin niyang binawi. Timing naman na nag-ring ang phone ko at tumawag sa akin si Perrie. "Yes, Perrie," bulalas ko. Nilakasan ko ang boses ko para marinig ni Mira.

"Blaze. Okay na ang mommy. 'Tapos, payag na siyang lumipat ako ng university. Isn't that great?" bida sa akin ni Perrie. Rinig ko ang excitement sa tono nito mula sa kabilang linya.

"Hindi na ba talaga kita mapipigilan?" untag ko rito. Samantala, pansin kong mag-isa na lang si Mira sa upuan niya at umo-order na rin si Ben ng sinasabi niyang 'Frappily Ever After'. Sana hindi available.

"'Di ba sabi mo nga sa akin, it's time for me to do what I truly love. And here I am taking my first step. 'Wag mo na sana akong kontrahin at baka magbago pa ang desisyon ko," sabi pa ni Perrie mula sa kabilang linya.

"Masaya ako dahil sa sinabi mo," tipid kong reply. Pero sa totoo lang, hindi na ako makapag-pokus sa sinasabi nito.

"Sanga pala, pinapapunta ako ni tita sa inyo ngayon. Hindi ko alam kung bakit... pero ang sabi ko nga ay busy ako sa school stuff kaya hindi ako makakapunta. Tawagan ko na lang ulit siya mamaya. Hindi mo pa rin ba siya kinakausap?" Napansin ko na tila ba'y nakikinig pa rin si Mira sa mga sinasabi ko at gusto kong makaganti rito. Gusto kong isipin niya na makikipagkita rin ako kay Perrie ngayon at hindi ako affected kung may Ben siyang kasama.

"Pupunta ako. Sige," mabilis pa sa alas-kuwatrong sagot ko kay Perrie.

"Kahit may pasok kayo today? A-absent ka?" Naramdaman kong nakabalik na si Ben sa upuan nila.

"Oo nga. Pupunta na ako ngayon," I replied.

Narinig kong may tumawag kay Perrie mula sa background. "I have to go now, I'll call you again later, okay?" paalam nito at sabay baba sa phone.

Napansin ko pa ring tahimik sina Mira kaya naman ipinagpatuloy ko ang kunwari ay hindi pa tapos na tawag. "Tama na babe, lalo kitang mami-miss n'yan e," saad ko habang nakatapat pa rin ang phone sa bibig ko at habang tumatayo ako mula sa pagkakaupo. Sakto namang dumating na rin ang order ni Mira.

"I hope you did receive the flowers I sent you earlier," dagdag ko pa. At pagkatapos ng ilang saglit ay muli akong nagsalita na parang kausap pa rin si Perrie, "I love you, too. Bye for now."

Doon na muling nagsalita si Mira. "Ben, bakit ang pait ng kapeng 'to?"

"Malamang kape 'yan," sabad ko rito. Obviously, hindi ko na naman napigilan ang sarili kong mag-react.

"Excuse me. Am I talking to you, mister?" mataray na tugon nito sa akin kahit pansin ko namang may ngiti itong pinipigil ilabas.

"Wala akong time makipagtalo sa 'yo, miss. My girl is already waiting for me," may kompiyansang sagot ko rito.

"Blazy," pigil nito. Mabagal ang pagkakabigkas niya sa pangalan ko. At gumamit pa siya ngayon ng puppy eyes.

"Bakit ba?" mataray kong sagot dito.

"D-do you really have t-to leave?" tanong nito sa basag na boses.

"What?"

"Tanong ng kape ko... sa kape mo. Kung kailangan ba raw talaga niyang umalis. At iwan siya," paglilinaw niya.

"Oo," sagot ko. "Bakit? May relasyon ba sila?" She looked at me, puzzled. "Tanong ng kape ko. Kaya sige na, d'yan ka na sa coffee ni Ben makipag-usap."

🎆 🎆 🎆

AN: Ouch nemen, Blazy. Medyo harsh yata 'yon? Seryoso na ba 'yon?

Thanks for reading this super short update. Happy New Year!!!

Kung Pa'nong Ang Bulalakaw Ay Naging Ikaw [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon