20. Ang Bangin

392 29 33
                                    

Hindi ko pa naakyat ang Mt. Maculot pero ang trail na binabagtas ngayon ay sobrang pamilyar sa akin. Para bang narating ko na ito noon pero hindi ko maisip kung paano at kung kailan. Matarik ang bundok. Puro ascent ang mararanasan mo at kakaunti lang ang kapatagan. Sa madaling salita, nakakapagod itong akyatin. Mabuti na lang at maraming rest stations sa tabi ng mga saradong tindahan na sasalubong sa 'yo. 

Hindi tulad ng Mt. Manabu at Mt. Gulugod Baboy, mabato ang bundok na inaakyat namin ngayon. Siguro, dahil malapit ito sa lawa at bulkan ng Taal at ang mga batong ito ay mula pa sa naging pagsabog ng nasabing bulkan noong unang panahon. Ang mga punong nadadaanan ay ang mga karaniwang klase ng puno at palumpong na makikita mo sa isang tropikong bundok. May mga mahahabang ugat at baging naman ang ilang puno na p'wede mong kapitan. Iisa lang din ang lente namin, ang lenteng dala ni kuya Jason. Pero hindi rin naman nakababahala ang pag-akyat dahil bukod sa malinis ang trail na nilalakaran na karaniwang malayo sa dalisdis ng bundok, marami ring ibang hiker na nakasasalubong at lumalampas sa aming tatlo. Mukhang tuwang-tuwa pa nga si Berna at todo bato ng tanong kay kuya Jason. Lalo na siguro kung umaga kami umakyat at natatanaw na niya ang Bulkang Taal.

"Nasaan na raw ba siya ngayon?" tanong ko kay Berna. Katatapos lang kasi ng tawag niya kay Mira.

"Nasa Rockies pa rin ang lola mo. Kaloka. Kanina pa siya ro'n. Baka kung ano nang gawin no'n," nag-aalala pa ring sagot nito.

"Hindi ba talaga kayo naniniwala sa mga kuwento niya? Na baka nga posible ang mga sinasabi niya?"

"Blaze," dismayadong tugon nito. "Pati ba naman ikaw?"

"Bakit hindi? Life itself is a bit of magic. It's full of small miracles. Kung paano tayo nabubuhay sa mundong ito. Kung paano tayo isinilang, lumaki at nagmamahalan. Of course, patuloy itong ipinapaliwanag ng science. Pero bakit ang dami pa rin nating tanong?"

"Iba naman kasi ang sinasabi ni Mira," para bang walang ganang sagot nito.

"Mas mahiwaga ang universe. Dahil sa lawak nito, mas marami pang bagay ang posible. If we limit our beliefs to those ingrained in us by Earth's science, then we're most likely trapped and caged in a very small, boring book."

"Blaze, no. Not this topic again."

"That's why kailangan n'yong pakinggan si Mira. Intindihin ito," giit ko pa rito.

"Bakit ba concerned na concerned ka sa kanya? Matagal na ba talaga kayong magkakilala? Bakit parang ang dami-dami mo nang alam sa kanya?"

"If I tell you the reason right now, iisipin mong nababaliw na rin ako."

"Blaze, can we not have this conversation?" Bigla siyang humarap kay kuya Jason at saka ito binato ng mas marami pang tanong tungkol sa Mt. Maculot.

At habang abala sa kuwentuhan ang dalawa, muli kong inalala ang mga pangyayari sa café kanina. Kung hindi ako nagpunta sa café na 'yon, nasa apartment lang sana ako ngayon. Hindi ako nahihirapang umakyat sa bundok na ito. Pero hindi iyon ang mas pinuproblema ko. Naisip ko lang na posibleng nabago ko na nga ang mga mangyayari sa hinaharap. Do'n pa lang sa desisyon kong magpunta ng café dahil sa orihinal na bersyon ng kuwento ko, hindi ako nagpunta ng café at hindi ko pa dapat kilala si Mira sa mga oras na 'to. Hindi na ako sigurado sa kung anong magiging epekto nitong pag-akyat ko sa bundok. Hindi rin kasi ako umakyat ng Maculot noon. Paano ang maliliit na detalyeng mababago ko?

Narating na namin ang huling rest station bago ang campsite at mas delikado na ang trail. Sa isang maling hakbang mo lang, maaari ka nang mahulog at magdire-diretso pababa ng bundok. At nang maingat naming narating ang campsite sa tulong din ng aming guide ay labis na lang ang pasasalamat ko. Pero wala na rin kaming oras magpahinga roon. Kailangan na naming makita si Mira at masigurong ligtas ito. Siguro, kaya kalmado lang ako ngayon ay dahil alam ko nang hindi iyon gagawin ni Mira tonight. Dahil aakyat pa nga ito sa Mt. Gulugod Baboy sa 29.

Kung Pa'nong Ang Bulalakaw Ay Naging Ikaw [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon