Prologue: The Beginning

41K 1.2K 128
                                    

Prologue

***

[ Fiera's POV ]



"Dad ilang beses ko bang sasabihin sa inyo? Hindi niyo ko kailangan dalhin dito!" Sigaw ko kay dad habang pilit na inaalis ang braso niyang mahigpit na nakahawak sa braso ko. Napa-irap nalang ako dahil ayaw niya talaga akong bitawan.



"Fiera! Stop being so hard headed. Para din naman sayo to. Para matutunan mo kung paano mo maco-control ng maayos ang kapangyarihan mo." Sabi ni daddy.



Nag cross arms lang ako saka umirap kay dad. "Dad no! Ayokong manatili dito. Sigurado akong matatakot din sila sakin at baka tawagin din nila akong anak ng demonyo tulad sa dati kong school!" Sabi ko at umiwas ng tingin nang maalala ko yung nangyari.



Hindi ko kasi kayang kontrolin ang kapangyarihan ko kaya hindi ko na control yung biglaang pag labas ng apoy sa kamay ko na mabilis kumalat sa buong school. Muntik na ngang lamunin ng apoy yung buong school namin dahil sakin eh. Buti nalang walang namatay--- pero madaming nalapnos ang balat. And after that naging sentro na ako ng bully, they always calling me FIRE MONSTER and DAUGHTER OF DEMON.



Hinawakan ni dad ang chin ko at tinignan ako sa mga mata.



"Fiera, hindi nila yun gagawin dahil katulad mo ay may mga kapangyarihan din sila. Malayo ka sa mundo ng mga tao. Dito ang totoong mundo mo." Sambit ni dad at hinawakan ang balikat ko.



Napabuntong hininga na lamang ako.



"Sana nga dad. Sana nga."



Daddy smiled at me. "Kaya go ahead. Pumasok ka na dahil kanina ka pa nila hinihintay."



I guess this is goodbye. Wala naman na akong magagawa. Hawak ni dad ang desisyon. Saka ayos na din siguro to. Malayo sa mga tao malayo sa gulo.



Huminga ako ng malalim saka tumingin kay dad.



"Fine. I'll stay here and I will make you proud." I said and I gave him a weak smile.



Yun lang naman kasi ang pwede kong gawin para suklian ang mga sinakripisyo niya sakin.



He smiled. "That's my fire princess. May premyo ka kay dad kapag balik mo sa Human World."



Seriously? Premyo? Anong tingin niya sakin bata?



"I'm not a kid anymore dad." Nakasimangot kong sabi.



Lagi nalang talaga niya akong tinuturing na bata. And I hate it.



"Hahaha kahit na. You're still my baby." Sabi ni dad at kumindat pa.



"Dad!" Sabi ko.



Natawa lang si dad. "Sige na pumasok ka na sa loob. Sigurado akong magugustuhan mo ang pananatili mo dito." Sabi ni dad.



Tumalikod na ako at nag umpisang mag lakad papasok sa loob ng Mystinious Academy. Pero sadyang hindi ko kayang tiisin si dad kaya lumingon ulit ako sa kanya at ngumiti.



"I will miss you." Sabi ko.



Bago pa ako maiyak ay tumalikod na ako at nag lakad papasok. Kusang bumukas ang gate kahit wala naman talagang nag bukas. It's because of the magic.



Habang naglalakad ako sa gitna ay pinagtitinginan ako ng ilang mga students na naka kalat sa paligid. Syempre taas noo akong habang nag lalakad at hila-hila itong maleta ko na kulay violet.



"Who is she?"

"Ang ganda niya.

"Yummy pre oh."

"New student I guess."

"Sus hindi naman maganda."



Nag pantig yung tenga ko sa sinabi ng isang babae. Pagtingin ko naman sa direksyon nila ay halos muntik nang bumaliktad ang sikmura ko nang makita ko ang mukha niya. Bitch please? Hindi pa bilog ang buwan pero may asawang na?



Taas noo akong nag lakad papalapit sa kanila saka tinignan yung babaeng nag salita mula ulo hanggang paa. Well, hindi lang siya mukhang paa. Mukha din siyang tuhod.



"What did you said?" Nakangiting tanong ko sa kanila.



"Ang sabi ko hindi ka naman maganda." Sagot niya.



"Well, you're right. Kasi hindi sapat ang salitang GANDA at DYOSA para idescribe ang ako. Eh ikaw? I think your face is specially made just to show what ugliness meaning is." Sabi ko.



Nagulat naman siya. Maging yung mga students sa paligid ay nag pipigil ng tawa. Kasalanan niya yan dahil kinalaban niya ako.



"Anong sabi mo?!" Sigaw niya at binato ako ng ice blades pero sinalo ko lang yun gamit ang isang kamay at tinunaw sa harap niya. Saka ako nag labas ng fire ball na ikinagulat nila.



"I-isa kang Fire Elementalist?!" Gulat niyang sabi. Hahaha hindi maipinta ang mga mukha nila.



"Bingi ka na nga, bulag ka pa. And yeah I'm a Fire Elementalist, wanna taste this fire ball?" Nakangising tanong ko sa kanila at mas nilapit ko pa yung fire ball ko sa mukha niya. Halata namang natakot siya pati yung mga kasama niya.



"P-please wag mo kaming sunugin." Natatakot niyang sabi.



Awww. Akala ko naman palaban. Titiklop din pala agad. Tss. Ang lalakas magsalita eh duwag din naman pala.



"Umalis na kayo sa harap ko kung ayaw niyo maging abo." Sabi ko sa kanila.



"Sige. Sorry ulit." Sabay sabay silang nag bow saka tumakbo palayo na parang mga duwag--- I forgot duwag nga pala talaga sila.



Naglaho na yung fireball sa kamay ko at nagpatuloy na ako sa paglalakad. Mala miss universe ang paglakad ko habang nakataas pa ang mga noo ko.



Masyado kasi akong maganda para yumuko.



"Woah isa siyang Fire Elementalist..."

"Fire Elementalist pala siya..."

"Nakakatakot siyang kaaway..."

"Malakas siya..."

"Woah Idol ko na siya..."

"Ang angas niya..."



Napangiti ako ng marinig ang mga bulong bulungan sa paligid ko. Hindi naman pala ganun kasama ang lugar na ito. In fact mukhang mag eenjoy pa nga ako. Malaya kong magagamit ang fire magic ko sa mga taong kakalaban sakin.



Wag lang nila akong subukan dahil in just one snap, kayang kaya ko silang gawing abo sa pamamagitan ng kapangyarihan ko.




-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ayan ma-attitude na si Fiera HAHAHA. Sana nagustuhan niyo :)



EDITED

The Fire Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon